Naka-aircon habang naghuhugas ng mga pinagkainan, makakatulong ba upang mas lalo kang sipagin?



Napakainit na ng panahon natin sa ngayon, summer na summer na nga talaga! Kung dati rati ay maraming mga mag-aaral ang talaga namang nasasabik sa panahong ito tila medyo nabawasan ang kanilang pananabik dahil na rin sa kinahaharap nating sitwasyon ng mga nagdaang buwan.



Noon ay madalas na namamasyal ang buong pamilya sa mga amusement park, sa mga mall, sa mga beach at sa mga resort upang kahit papaano ay makapagrelaks ang mga mag-aaral sa stress na kanilang naranasan sa ilang mga buwan ng pag-aaral ngunit sa ngayon ay nakukuntento na lamang tayong mamalagi sa ating mga tahanan para na rin sa ating kaligtasan.

Dahil sa madalas ay magkakasama na lamang ang maraming mga pamilya sa loob ng tahanan ay tiyak na hindi na rin mapigilan ang pagtatalo-talo magkakapatid kung sino nga ba ang gagawa ng isang partikular na gawaing-bahay.


Tulad na lamang halimbawa ng paghuhugas ng mga pinagkainan. Kamakailan lamang ay kinagiliwan ng publiko ang larawang ito na ibinahagi ng netizens na si Lordgregory Sacay.
Sa naturang larawan ay makikitang mayroong air conditioning unit sa itaas na bahagi ng lababo. Mayroon pa itong caption na “Gaganahan ka na lang talaga magligpit eh.”

Umani naman ng maraming mga komento mula sa mga netizens ang naturang post. Narito ang ilan sa kanila:


“Sana ganito sa bahay namin kahit ako na lang araw–araw ako maghugas hahahaha,” komento ng isang netizen.



“Hahaha, I like the idea. Magugustuhan mo talagang maghugas nito kapag ganito. May cold water ka na, may cool air ka na. Pero hindi ba delikado yung ganito?” Pahayag pa ng isa.

“Ako na maghugas ng plato. Hala, itambak na tanan sa lababo. NOW NA!! Hahaha!” sambit pa ng isa.

“Next time magsuot na talaga ako ng jacket habang naghuhugas ng plato at naliligo sa CR, ang lamig eh.” Pagbibiro pa ng isa.




error: Content is protected !!