Pastor Quiboloy may mensahe para kay Vice Ganda: “I hope that you learned your lesson.”



Si Vice Ganda ang isa sa pinakasikat at pinakamatagumpay na komedyante ngayon sa industriya ng show business. Hindi na nakapagtataka na malayo na ang kaniyang narating dahil sa kaniyang pagpapagal sa kaniyang napiling larangan.


Ngunit kamakailan lamang ay naging mainit na usap-usap sa social media ang mga naging pahayag ni Pastor Apollo Quiboloy patungkol sa Kapamilya host at comedian na si Vice Ganda. Maaalalang ginawang katatawanan noon ng It’s Showtime host ang pahayag ng Pastor na siya mismo ang nagpahinto ng lindol noong Oktubre 31, 2019 sa North Cotabato dahil sa siya ay ang “appointed son of God” ayon kay Pastor Quiboloy na milyonaryong founder at leader ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name, Inc.



Nagkaroon ng pahayag ang Pastor sa programa niya sa Powerline sa Sonshine Media International Network noong May 19 patungkol sa naging paghahamon noon ng komedyante sa kaniya at sinabihan pa siyang mayabang sa harap ng maraming tao sa isang episode ng kanilag programa.


“Nalulungkot ka, Vice, nalulungkot ka sapagkat hindi mo mapigilang umiyak dahil wala na yung mga programa niyo? Alalahanin mo, naghamon ka, hinamon mo ako noon. Ang saya-saya niyo noon. Naghahalakhakan kayo. Meron pang isang kasamahan mo na lalaki, pati ngala-ngala niya, nakita ko sa katatawa, e. Halos mabali ang leeg niya.” Pahayag ng Pastor.


Talaga namang naging totoo ang mga pahayag ng Pastor at karamihan sa ito ay tiyak na makasasakit din sa damdamin ni Vice lalo na kung maririnig niya mismo ang mga salitang ito. Tunay nga na hindi magandang biro ang gawing katatawan ang ibang tao kahit pa ano ang estado nito sa buhay.



Bilang panghuling mga salita ng Pastor ay pinaalalahanan niya si Vice na sana ngayon ay natuto na siya ng kaniyang leksyon. Marahil ay isa na rin itong paalala hindi lamang para sa mga komedyante tulad ni Vice kundi para na rin sa bawat isa sa atin na maging sensitibo tayo sa mga salitang binibitiwan natin sa isang tao upang hindi tayo makapanakit at makasakit ng iba.




error: Content is protected !!