Isang 51-anyos na dentista, mala-Diyosa ang angking kagandahan!



Isang 51-anyos na dentista mula sa South Korea ang binansagang “Goddess of Youth” dahil sa angking kagandahan sa kabila ng kaniyang tunay na edad. Madalas nga ay napagkakamalaman pa siyang nakatatandang kapatid ng kaniyang anak na babae dahil sa pambihirang ganda ng doktora.


Ngunit hindi ito ikinatutuwa ng kaniyang anak. Ang pangalan ng doktora ay Lee Su Jin na madalas mapagkamalan na nasa edad 20 pataas lamang. Napakaraming mga tao ang hindi makapaniwalang higit na siya sa 50 taong gulang. Hindi naging maganda ang epekto nito sa kaniyang anak na babae.




Ayon sa doktora hindi na siya kinausap pa ng kaniyang anak mula nang pumasok ito sa middle school. Dahil sa sikat na siya ng mga panahong iyon sa social media ay posibleng madalas na marinig ng kaniyang anak tungkol sa kaniya o di kaya naman ay madalas silang ipagkumpara.

Dahil dito ay mas ginusto na rin ng ina ang natatanggap na atensyon mula sa social media dahil sa ayaw din naman siyang kausapin ng kaniyang anak ng mga panahong iyon. Buti na lamang at naitampok ang mag-ina sa “Same Bed, Different Dreams” reality show.



Dahil dito ay naintindihan na ng ina kung bakit labis ang galit sa kaniya ng kaniyang anak. Naunawaan din naman ng kaniyang anak na hindi nito kasalanan na maganda at bata pa rin ang kaniyang hitsura sa kabila ng kaniyang edad. Sa ngayon ay maayos na ang relasyon ng dalawa. Madalas ding kasama ng doktora ang kaniyang anak sa mga social media post nito.

Tunay nga na walang gusot na hindi kayang ayusin sa maayos at mabuting usapan. Kung kaya naman tiyak na magsisilbing halimbawa ang kwento ng mag-ina hindi lamang sa maraming mga kababaihan kundi maging sa mga pamilyang kumakaharap ng ganito ring pagsubok.



Tiyak na walang makapapantay sa pagmamahal at suportang mayroong ng isang pamilya para sa isa’t-isa.





error: Content is protected !!