Walang pusong landlady tinanggalan ng bubong ang isang buntis na tenant dahil lamang sa hindi makabayad sa renta!



Naging mahirap ang pagpasok ng unang mga buwan ng taong 2020 sa maraming mga Pilipino. Hindi biro ang mga pagsubok, kalamidad at sakuna na ating hinarap at patuloy na pinagtatagumpayan.



Ngunit sa kabila ng mga ito ay talaga namang nananatiling matatag ang bawat isa sa atin. Nakakalungkot lamang na sa kabila ng maraming mga taong nagtutulungan at nagdadamayan ay mayroon pa rin pa lang mga tao na makakayang gumawa ng hindi maganda sa kanilang kapwa.


Kamakailan lamang ay umani ng maraming mga komento mula sa mga netizens ang walang pusong landlady na ito dahil sa pagtatanggal nito ng bubungan at pintuan ng isang buntis na ginang na nangungupahan sa kaniya dahil lamang sa hindi pa ito nakakabayad sa kaniya ng renta! Hindi pa ito nasiyahan at pinagbantaan pa ang mga kapitbahay ng buntis na kung tutulungan nila ito ay sila rin ang mapapasama at mawawalan rin sila ng bubong at pintuan.


Ang kaganapang ito ay nangyari sa Caloocan sa Metro Manila. At ang taong nagbahagi ng video sa social media ay walang iba kundi si Czairra Alliyah Cheng. Ang walang pusong landlady na si Aling Tess ay nagtangka pang batuhin ng cord ng rice cooker si Czairra dahil sa pagtulong niya at ng iba pa nilang kapitbahay sa buntis na babae.


Ang kawawang buntis pala ay walang maibayad sa kaniyang renta dahil sa ang kaniyang nagtatrabahong asawa na nasa Bulacan ay hindi makauwi dahil sa lockdown. Ngunit tila determinado ang landlady na makuha ang renta ng kaniyang paupahan anuman ang mangyari.



Nagkusang tumulong ang mga kapitbahay ng buntis na ginang dahil nagsisimula na ring pumatak ang ulan mula sa pinagtanggalan ng bubong ni Aling Tess. Dahil sa hindi makatarungang pangyayari na ito ay tinulungan ang ginang ng kaniyang mga kapitbahay upang makapaghain ito ng reklamo sa kanilang barangay laban sa walang puso nilang tenant.

Tiyak na mananagot sa batas si Aling Tess dahil sa paglabag sa Republic Act No. 11469 o kilala rin bilang “Bayanihan to Heal as One Act”.






error: Content is protected !!