Categories: Family

Kapamilya reporter na si Niña Corpuz mayroong sweet na mensahe sa kaniyang mister para sa kanilang 12-year wedding anniversary!

Si Niña Marie Fernando Corpuz o mas kilala sa pangalan na Niña Corpuz ay 43 taong gulang na broadcast journalist ng ABS-CBN News and Current Affairs. Madalas natin siyang mapanuod sa TV Patrol, Bandila, Balitang Europe, ANC, at Good Vibes. Siya rin ang co-host ni Ogie Diaz sa “Magandang Umaga, Bayan”.

Kamakailan lamang ay kinilig ang marami dahil sa naging sweet na mensahe ni Niña sa kaniyang kabiyak na si Vince Rodriguez. Mayo 20 nang magpost sa social media si Niña patungkol sa naging pagsasama nilang mag-asawa nang halos isang dekada.

Ayon sa kilalang reporter, “immediate family” lamang nila ang nagpunta sa kanilang kasalan ngunit talaga namang naging masaya silang mag-asawa noong mga panahong iyon. Inilarawan din niya ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa na masaya, malungkot, puno ng mga pakikipagsapalaran, kaligayahan, minsan ay magulo rin at nakakabaliw ngunit sinong mag-aakalang 12 taon na pala ang nakararaan mula noon.


Ikinatuwa naman ng marami ang naging mensahe sa kaniya noon ng kaniyang mister na si Vince tatlong taon na ang nakalilipas. Inalala niya ang unang pagkakataong makita niya si Niña sa newsroom. Cadet reporter pa lamang siya noon at hindi niya malilimutan ang kaniyang suot na puting blusa, gray na palda.

Nakatali rin ang kaniyang buhok, mayroong pink na lipstick at perlas na hikaw. Ang unang pumasok sa isipina ni Vince ay “pwede!” Nabiyayaan ang mag-asawa ng tatlong mga anak sina Stella, Emily at Luke.

Talaga namang napakasarap ng ganitong mga alaala. Maaaring hindi perpekto ang lahat ngunit naging patunay lamang ito na mas masaya at mas kumpleto ang kanilang buhay dahil sa dami ng kanilang mga pinagdaanan sa buhay.

Dahil na rin sa mga pagsubok na ito at sa mga hindi malilimutang kaligayahan na naranasan nila sa loob ng maraming mga taon ay masasabi mo rin sa iyong sarili na masarap talagang mabuhay at masarap magkaroon ng sarili mong pamilya. Kahit pa nga sabihin ng iilan na mahirap ito at kakailanganin mong magsakripisyo ng husto.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago