Angel Locsin nagbenta ng kaniyang SUV habang designer bag naman ang kay Anne Curtis para pangbili ng “test kits”!



Kamakailan lamang ay ikinatuwa ng publiko ang inisyatibo ng aktres at modelong si Angel Locsin na makatulong sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino at makalikom ng pondo para sa mass testing kontra sa coronavirus pandemic. Maraming mga artista ang talaga namang nagnanais din na makatulong sa mga kababayan natin sa abot ng kanilang makakaya.



Isa na ang SUV (sports utility vehicle) ni Angel Locsin na 2015 Dodge Durango sa mga isusubasta para sa “Shop & Share” fundraiser ng aktres. Maging si Anne Curtis ay magdo-donate din ng kaniyang kulay puti na “Chanel Cruise Boy North South”. Hindi rin naman nagdalawang-isip si Liza Soberano na ipasubasta ang ilan sa kaniyang mga luxury shoes.


Ilang mga mamahaling sapatos naman at hoodie ang donasyon ng TV host-comedian na si Vice Ganda. Ang singer-songwriter naman na si Ogie Alcasid ay magbibigay ng ilan sa kaniyang mga toy collection ng “Star VVars” na halos 24 na taon na niyang koleksyon. Mayroon din namang proceeds sa “Bawal Lumabas” shirts ni Kim Chiu ang mapupunta sa Shop & Share na inanunsyo ng aktres sa kaniyang Instagram post.


Ayon sa ilang mga ulat, taong 2009 pa nang mailunsad ni Angel Locsin, katuwang si Anne Curtis ang Shop & Share website. Ang layunin nila noon ay matulungan ang mga Pilipinong labis na naapektuhan ng mga bagyong Ondoy at Pepeng.


Marami ding mga sikat na artista ang sumuporta dito kung kaya naman nakalikom din sila ng halos isang milyong piso. Para naman sa taong 2020 ay layunin nitong makabili ng mga COVID-19 test kits para sa mga mahihirap nating kababayan.



Tunay ngang napakagandang halimbawa ang pinakikita ng mga paborito nating artista sa panahon ng krisis na ito. Maaaring mahirap talaga ang kinahaharap nating sitwasyon ngunit kung sama-sama tayong lahat at magkakaisa ay tiyak na mapagtatagumpayan din natin ang mga pagsubok na ito.




error: Content is protected !!