Categories: AmazingFoodHome

Ano ang mas pipiliin mo, malaking bahay, magarang sasakyan, o isang komportable at mapayapang tirahan sa bukirin?

Marahil lahat naman tayo ay nagnanais na makapagpundar ng sarili nating mga tahanan. Kung saan masaya tayong mamumuhay kasama ang ating mahal na pamilya.

Napakasarap sa pakiramdam na masabi mo sarili mong naipundar mo ang isang bagay dahil sa iyong pagsusumikap at pagtitiyaga, hindi ba? Masarap magkaroon ng mga bagay na alam mo sa sarili mong pinaghirapan mo talagang makamit.

Mga bagay na simple man at hindi masyadong mamahalin ngunit talaga namang nakapagbibigay sa iyo ng katahimikan at komportableng pamumuhay. Tulad na lamang halimbawa ng isang netizen na ito na nagbahagi ng pangarap niyang buhay maliban sa pagkakaroon ng malaking tahanan o magarang sasakyan mas nais niyang manirahan sa bukurin na hitik na hitik sa bunga!

Siya ay nakilala sa pangalang “Vanz”. Sino nga ba naman ang hindi masisiyahang manatili sa isang maayos at komportableng bahay na ito sa gitna ng kabukiran?


Sa halip na bumili ng bumili ng mga prutas at gulay ay tiyak na wala ka nang hahanapin pa kung sa pagmulat ng iyong mga mata ay bubulaga sa iyo ang mga malalaking bunga ng iyong mga pananim. Mayroong mga sariwang prutas, mga gulay at iba pang mga pagkaing hindi mo na bibilhin pa sa pamilihan.

Kung para sa iba, ito ay isang pangarap na lamang at mananatili na lamang na isang pangarap, mayroon pa ring ilang mga indibidwal na nagsusumikap sa buhay upang makamit ang ganitong klase ng pamumuhay.

Totoo naman na hindi madali ang kumita ng pera kung kaya naman napakahirap din talagang makapag-ipon ng sapat na pera. Ngunit gayun pa man ay hindi magiging hadlang sa marami ang matinding pagsubok at kahirapan lalo na kung mas mangingibabaw ang determinasyon at ang pagnanais na makamit ang mga pangarap na matagal na nating nais makamit.

Kung kaya naman para sa mga taong nagsusumikap pa rin hanggang sa ngayon na makamit ang kanilang mga pangarap, ipagpatuloy lamang nila ang kanilang nasimulan dahil darating ang panahon at aanihin din nila ang lahat ng mga ito.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago