Netizen, sa halip na pulutin ang isang P50 ay dinagdagan pa ito ng isa pa dahil ayaw niya itong mag-isa?!



Marahil ay marami na tayong karanasan patungkol sa mga pera na nakikita natin sa nasakyan nating bus, dyip, traysikel, o di kaya naman ay naiwan ng ibang tao sa isang mesa, sa upuan o sa maging sa kalsada. Tiyak na masayang masaya ang pakiramdam natin lalo na kung nakakapulot tayo ng pera nang ganun ganun na lamang at hindi na natin kailangang paghirapan o pagtrabahuhan ito.



Swerte kung ituring ng nakararami. Ngunit kung para sa atin ay tipikal na gawain na lamang ang pagpulot sa nalalaglag na pera o naiwanang pera ng ibang tao, mayroon pa palang ilang indibidwal na mayroong kakaibang pananaw patungkol dito.

Kamakailan lamang ay kinagiliwan ng publiko ang post na ito ng isang netizen na nakilala bilang si Nicole Deveyra La Torre. Sa kaniyang viral post kasi ay nagbahagi siya ng larawan ng dalawang P50 na salapi sa kalsada.


Sa halip na pulutin ay binigyan pa niya ito ng kasama. Narito ang kaniyang caption: “Nakakita ako ng 50 pesos sa kalsada pero hindi ko ito pinulot sa halip dinagdagnan ko pa ito ng isa pang 50 pesos dahil alam ko ang pakiramdam ng nag-iisa.”

Talaga namang umani ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko ang naturang post. Marami din naman ang pumuri at bumilib sa netizen dahil sa halip na kuhanin ang nakitang pera ay nag-alala pa ito para dito na tila ba mayroon din itong kakayahan na makaramdam ng kalungkutan dahil sa pag-iisa nito.


Tiyak na labis labis na kaligayahan ang madarama ng sinumang makakapulot nito dahil sa anumang halaga sa ngayon ay marami nang magiging tulong lalo na sa mga nangangailangan. Kung sakali kaya na makakakita ka ng pera sa kalsada, pupulutin mo ba ito at gagastusin o di kaya naman ay dadagdagan mo pa dahil sa ayaw mong makaramdam ito ng kalungkutan sa kaniyang pag-iisa?




error: Content is protected !!