Pagbati ni Mayor Vico Sotto para sa kaarawan ng kaniyang ina, idinaan sa isang nakakatuwang larawan!



Maraming mga kababaihan ang talaga namang napapamahal agad sa mga lalaking palabiro o mayroong nakakabilib na “sense of humor”. Ngunit higit pa rito ay dagdag pogi points din talaga kung responsable ang isang lalaki at isang mapagmahal na anak sa kaniyang ina.



Tulad na lamang halimbawa ni Pasig City Mayor Vico Sotto. Talaga namang hinangaan siya ng publiko dahil hindi naging hadlang ang kaniyang edad o kahit pa ang kaniyang kakulangan sa karanasan sa pulitika o sa panunungkulan upang makapagserbisyo ng husto sa kaniyang nasasakupan.


Dahil sa hanggang ngayon ay “No Girlfriend Since Birth” o NGSB pa rin si Mayor Vico ay maraming mga kababaihan ang talaga namang nangangarap na mapansin niya. Ngunit mayroong isang napakapalad na babae sa kaniyang buhay na talaga namang naging dahilan upang lumaki siyang responsable at kahanga-hangang alkalde.


Siya ay walang iba kundi ang kaniyang butihing ina na si Coney Reyes. Nagdiwang ito ng kaniyang kaarawan kamakailan lamang at talaga namang nagdulot ng labis na kasiyahan at good vibes ang naging pagbati ni Mayor Vico para sa kaarawan ng kaniyang ina.


Nagbahagi ng isang larawan ang alkalde kung saan makikitang mayroong hawak na sanggol ang kaniyang ina. Ang naturang sanggol ay mayroong edited na mukha ng 30 taong gulang na Mayor.



Nilagyan rin ito ng isang simple ngunit napaka-sincere na caption na, “Happy birthday, Mama! I love you!”Umani ng napakaraming komento at reaksyon ang naturang post.

Ilang mga netizens naman ang bumati rin sa ina ng alkalde at pinuri ito dahil sa maayos na pagpapalaki sa kaniyang anak na si Vico. Tunay nga na mapalad si Mayor Vico dahil sa mayroon siyang mapagmahal na ina na walang sawang sumusuporta sa kaniya. Gayundin naman ay mapalad din ang kaniyang ina dahil sa lumaki siyang responsable at mabuting tao.


Tiyak na proud na proud din sa kaniya ang kaniyang ama na si Vic Sotto at ang mga kapatid niya sa kaniya.




error: Content is protected !!