Richard Yap, pinasilip sa publiko ang kaniyang napakagandang tahanan na mayroon pang gym at music room!



Sa edad na 53 ay hindi maipagkakaila na napakakisig pa rin ng Chinese Filpino actor, singer, model at businessman na si Richard Yap. Hinangaan at minahal siya ng publiko bilang si Papa Chen sa “My Binondo Girl” at bilang si Richard “Sir Chief” Lim naman sa “Be Careful With My Heart”.



Kamakailan lamang ay kinagiliwan ng maraming mga netizens ang pagbabahagi ng aktor sa kaniyang YouTube channel ng napakaganda niyang tahanan. Ayon sa aktor, hindi man mansyon ang kanilang tahanan ay masaya at komportable naman silang lahat at iyon ang pinakamahalaga para sa kanila.


Sa unang bahagi pa lamang ng kaniyang vlog ay talaga namang mapupukaw na ang iyong atensyon sa napaka-classy nitong tahanan at ang kaniyang limang mga sasakyan na nakaparada sa labas ng kanilang tahanan. Maraming mga “paintings” sa tahanan ng aktor dahil sa hilig talaga ito ng kaniyang buong pamilya.


Modern at classy kung ilarawan ng ilang mga netizens ang kanilang living room na talaga namang napakaaliwalas sa paningin. Bagamat hindi kalakihan ang kanilang tahanan ay mayroon pa rin itong gym at music room kung saan madalas manatili ang aktor.


Talaga namang sa kaniyang pisikal na anyo at pangangatawan ay hindi mo aakalaing ang edad niyang 53. Tunay na nakamamangha ang kaniyang dedikasyon upang mapanatiling malusog at balingkinitan ang kaniyang katawan.



Kapansin-pansin din naman na ang kanilang mga kagamitan sa bahay ay “space saver” kung tawagin. Maging ang kanilang kusina na si Richard mismo ang nagdisenyo ay talaga namang napakaganda rin.

Aakalain mo bang mahilig din palang magluto ang Kapamilya actor na ito kasama ang kaniyang pamilya? Mayroon ding sariling kwarto na may kaniya-kaniyang palikuran ang kanilang driver at kasambahay.



Maraming mga netizens ang nakapansin na talagang classy at simple lamang ang kabuuang ayos ng tahanan ng aktor ngunit nangingibabaw pa rin talaga ang pagiging elegante nito sa bawat sulok ng kanilang tahanan.




error: Content is protected !!