Tunay na hitsura ng mga influencers na ito, labis na ikinagulat ng kanilang mga tagahanga!



Ang pagiging isang “online influencer” sa ngayon ay talaga namang patok na patok sa publiko. Maliban kasi sa kasikatan ay talaga namang maaari ka ding kumita ng pera. Ilan sa mga magagandang adbentahe nito ay ang pagkakaroon ng mga produktong ieendorso. Kung mas marami ang mga “followers” ng isang influencer ay tiyak na mas dadami rin ang kaniyang mga endorsements.


At upang magkaroon ng maraming mga tagasuporta ay kinakailangang maganda at nakabibighani ang hitsura ng mga influencers na ito. Sa isang viral na mga larawan ay ibinahagi ng dalawang “influencers” na ito ang tunay nilang mga hitsura at ang kanilang histura na mayroong “filters”.




Talaga namang nakakagulat ang pagkakaiba ng mga larawan. Kung ang unang larawan ay mapapansing makinis, maputi at mapayat sila, kabaligtaran naman ito ng isa pang larawan.


Talaga namang ikinagulat ng husto ng publiko ang pangyayaring ito lalong lalo na ang mga tagahanga at tagasuporta nila. Sinong mag-aakala na ang hinahangaan nating maganda at balingkinitang babae ay kabaligtaran pala sa tunay na buhay.



Maaaring marami ang mga netizens na nakaramdam na tila niloko sila at pinagtaksilan ngunit gayunman ay matinding lakas ng loob ang kinailangan ng mga influencers na ito upang maisapubliko ang kanilang mga larawan. Tunay nga na mas marami na sa atin ngayon ang labis na nagpapahalaga sa pisikal na anyo at kagandahan.

Tila nalilimutan nating mas marami pang mahahalagang bagay maliban dito. Ang pagiging totoo sa sarili at sa mga taong nagmamahal at sumusuporta sa iyo ay hindi matatawaran ng kahit gaano kalaking halaga ng salapi.



Kung kaya naman dahil sa nangyaring ito ay tiyak na mas magiging maingat na ang publiko sa mga taong sinusuportahan at minamahal nila. Para naman sa iba pang mga influencers ay tiyak rin na magiging leksyon na ito sa kanila na magpakatotoo at hayaang mahalin sila ng ibang tao nang ayon sa kanilang tunay na pagkatao at personalidad.




error: Content is protected !!