Dating PBB Teen Housemate Alec Duñgo, isa na palang ganap na doktor ngayon!



Hindi madali ang daan na tinatahak ng ating mga paboritong artista. Bago pa man sila nakilala ng publiko ay humarap na sila sa hindi mabilang na mga pagsubok.



Ngunit sa dami ng mga hamon na ito ay talaga namang mas naging matatag at matibay sila hindi lamang bilang isang artista kundi bilang isang indibidwal. Marahil ay marami na sa ating mga Pilipino ang nakakaalam sa tinaguriang “Pinakasikat na Bahay” sa ating bansa.


Ang “Bahay ni Kuya” ay isa sa mga naging daan upang makilala natin ang mga sikat at kilalang personalidad ngayon sa industriya ng show business tulad na lamang nina Sam Milby, Jason Gainza, Gerald Anderson, Robi Domingo, Melai Cantiveros, Jason Francisco, Paul Jake Castillo, Beauty Gonzales, Zanjoe Marudo, Myrtle Sarrosa, Maymay Entrata, Edward Barber, Ryan Bang, Kisses Delavin, Maris Racal, James Reid, Kim Chiu, at napakarami pang iba.


Kung marami sa kanila ang sikat pa rin hanggang sa ngayon, mayroon din namang iilan na ninais na lamang na manatili sa kanilang tahimik at pribadong mga buhay. Mayroong ilan sa kanila na nakapag-asawa na at nagkaroon ng sarili nilang mga pamilya habang mayroon din namang ilan na bumalik sa kanilang pag-aaral.


Tulad na lamang ni PBB Teen Housemate “Alec Brandon Duñgo” na ngayon ay isa na palang ganap na doktor. Taong 2012 nang napabilang si Alec sa mga mapapalad na kabataang nakapasok sa PBB: Teen Edition 4 kasama sina Kit Thompson, Yves Flores, Karen Reyes, sina Joj at Jai, at ang grand winner ng edisyong ito na si Myrtle Sarrosa.



Hindi pinalad si Alec na makaabot ng Big Night dahil sa ika-83 araw pa lamang niya ay na-evict na ito. Matapos niyang mapabilang sa PBB housemates ay ipinapatuloy niya ang kaniyang pag-aaral hanggang sa maging isa na siyang ganap na “Registered Pharmacist”.

Ngunit hindi dito natapos ang pag-abot niya sa kaniyang pangarap dahil muli siyang nag-aral at pumasok sa medical school ng University of Santo Tomas kung saan naging ganao siyang “medical doctor” noong 2019.






error: Content is protected !!