Iya Villania-Arellano proud na ipinakita ang kaniyang baby bump at “tiger stripes” habang karga si Baby Leon!



Bilang mga ordinaryng Pilipino, marami sa atin ang nakasanayan nang subaybayan ang buhay ng mga paborito nating mga artista o personalidad. Talaga namang nagsisilbi silang inspirasyon at mabuting halimbawa para sa marami sa atin.



Kamakailan lamang ay nagbahagi ng isang napakagandang larawan ang Kapuso host na si Iya Villania-Arellano. Sa naturang post ay makikitang karga ni Iya ang ikalawang anak nila ng kaniyang kabiyak na si Drew Arellano.

“My bunso just for a few more weeks. And yes, those are tiger stripes given to me also by this little boy when he was in my tum,” Pagbabahagi ni Iya sa kaniyang Instagram post.


Kapansin-pansin nga ang tila maliit na guhit o stretch marks sa tiyan ni Iya. Kung maraming mga kababaihan ang nahihiyang ipakita ang kanilang mga stretch mark tulad nito, proud na proud naman si Iya dahil sa ito ay alaala na dinala niya sa kaniyang sinapupunan ang kaniyang anak na si Leon.



“Tiger stripes” ang tawag ng karamihan dito dahil sa matinding katapangan ang sinisimbolo nito. Batid naman nating lahat na kapag nagdadalang-tao at nagsisilang na ang isang babae ay matinding sakripisyo at paghihirap ang pinagdaraanan nito.

Ayon pa nga sa matandang kasabihan ay nasa hukay na ang isang paa ng mga babaeng nanganganak. Ang mag-asawang sina Iya at Drew ay isa sa pinakahinahangaan na celebrity couple sa show business.



Sampung taon sila naging magkasintahan bago nila napagdesisyunang lumagay sa tahimik at magpakasal noong taong 2014. Agosto 2016 nang isilang ni Iya ang kanilang panganay na si Primo habang Agosto 2018 naman si Leon.

Hindi maipagkakailang nakaplano talaga ang dalawang taon na pagitan ng kanilang mga anak sa isa’t-isa. Abala man ang mag-asawa sa kanilang mga karera ay palagi pa rin silang naglalaan ng sapat na panahon at oras para sa kanilang pamilya.

Tunay nga na kung nasa puso mo ang mga bagay na iyong ginagawa at hinding-hindi ka mapapagod bagkus ay mas magkakaroon ka pa ng matinding inspirasyon.+



 




error: Content is protected !!