Jinkee Pacquiao naging emosyonal sa surpresang dinner date ng kanilang mga anak para sa kanilang mag-asawa!



Ang pagkakaroon ng isang masaya at nagmamahalang pamilya ay isa sa pangarap ng marami sa atin. Tunay nga na isa itong napakagandang biyaya mula sa Diyos at hindi ito mabibili o maaaring tumbasan ng gaano mang halaga ng salapi.



Wala tayong kakayahan na makapili ng ating mga magiging magulang kung kaya naman bilang mga anak ay nararapat lamang na magpasalamat tayo at tumanaw ng utang na loob sa ating mga ina at ama. Marahil ito ang nararamdaman ng mga anak ng pambansang kamao, Sen. Manny Pacquiao at ng kaniyang misis na si Jinkee Pacquiao nang sorpresahin nila ang kanilang mga magulang ng isang “intimate dinner date” sa loob mismo ng kanilang tahanan.


Hindi mapigilan ni Jinkee ang maging emosyonal sa napaka-sweet na sorpresang ito ng kanilang mga anak na sina Mary, Queenie, Emmanuel, at Michael para sa kanilang mag-asawa. Ayon sa pahayag ni Jinkee sa kaniyang Instagram post ay labis siyang nasorpresa sa effort ng kaniyang mga anak kung kaya naman hindi niya na napigilan pang maiyak.

Dagdag pa ni Jinkee, naisipan ito ng kanilang mga anak dahil sa noon pa man kahit hindi pa ipinaiiral ang “enhanced community quarantine” sa bansa ay hindi na nila nakikitang kumakain sa labas o nagde-date ang kanilang mga magulang. Maliban sa sorpresang dinner date na ito ay nagbigay din ng bulaklak at sulat ang kanilang mga anak kay Jinkee.


Ayon sa ilang mga ulat ay sa Makati nananatili sa ngayon ang buong pamilya habang patuloy pa ring pinag-iingat ang publiko sa banta ng pandemyang ating kinahaharap sa ngayon. Ang bawat sandaling magkasama ang buong mag-anak ay sinusulit na nila dahil sa batid naman ng lahat na abala ang kanilang ama na si Sen. Manny sa maraming mga gawain lalo na at siya ay isang lingcod-bayan.



Tunay nga na nakakatuwang makita ang pamilyang ito na puno ng pagmamahalan at pagmamalasakitan sa isa’t-isa.




error: Content is protected !!