Wagas na pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak, kitang-kita sa viral na larawan na ito!



Sabi nila, isa lang ang ina natin kung kaya naman palagi nating tandaan na irespeto at mahalin sila. Ang pagkakaroon ng isang ina ay napakagandang karanasan at biyayang maituturing mula sa Diyos.


Maraming ibang tao ang hindi na nakasama pa sa kanilang pagtanda ang kanilang mga magulang kung kaya naman napakapalad mo kung hanggang sa mga oras na ito ay kasama mo pa sila. Ang pagiging isang ina ay hindi madali.




Ito ay hindi isang biro na kapag ayaw mo na ay maaaring mong ibalik na lamang sa dati ang lahat. Kapag naging isang ina ka na ay tila ba naglalaho na ang iyong pagiging makasarili, ito ay dahil hindi na sarili mo na lamang ang iyong iniisip kundi ang mas makabubuti sa iyong mga anak at pamilya.

Kamakailan lamang ay nababalitaan natin ang posibleng pagpapalit ng tradisyunal na sistema ng pag-aaral sa online/virtual classes. Ito ay dahil na rin sa pandemyang kinahaharap natin sa ngayon.


Isinusulong ang pagkakaroon ng online classes sa maraming mga lugar sa bansa upang hindi na umalis pa ng kanilang mga tahanan ang mga bata at mas maproteksyunan sila sa nakakatakot na sakit na COVID-19. Kung para sa marami sa atin ay napakasimple lamang ng maaaring maging implementasyon nito sa hinaharap, maraming mga mahihirap na pamilyang Pilipino ang nangangamba dahil sa posibilidad na hindi nila kayanin ang gastos na kaakibat nito.

Maliban kasi sa mga gadgets ay kailangan din ng maayos na internet connection upang maisagawa ng maayos ang prosesong ito. Kaugnay nito ay talaga namang umantig sa puso ng publiko ang larawan ng isang mag-ina na nasa labas ng isang sikat na mall.



Makikitang hawak hawak ng anak ang cellphone na tila binili nila ng kaniyang ina. Ito ay ibinahagi sa social media ng isang netizen na nakilala bilang si Mico Tan.

Talaga namang maraming mga netizens ang naantig ang puso sa larawang ito. Makikita kung gaano kasabik ang anak sa bago nitong cellphone at bakas din sa mukha ng ina ang kaligayahan dahil sa wakas ay naibili na niya ng cellphone ang kaniyang anak.






error: Content is protected !!