Aiko Melendez may matinding pahayag para sa pambabatikos sa kaniya ng kaniyang mga bashers!



Ang ating pangangatawan at kalusugan ay ating responsibilidad. Kung kaya naman marami sa atin ngayon ang mas nag-iingat at nag-aalaga sa ating kalusugan at katawan dahil sa tayo lamang ang mayroong kakayahan na mahalin at pangalagaan ito.


Kamakailan lamang ay napukaw ang atensyon ng publiko sa naging pambihirang transpormasyon ng aktres na si Aiko Melendez. Marahil marami sa atin ang nakakaalala sa kaniya bilang isang mahusay na kontrabida ngunit talaga namang napalaki ng ikinaganda ng kaniyang pangangatawan.




Kung maraming mga netizens ang labis na humanga at natuwa dahil sa naging tagumpay ni Aiko, marami din namang ang nagalit at tila binatikos pa ito dahil sa pag-eedit diumano ng kaniyang mga larawan sa social media. Ayon naman kay Aiko, hindi totoong edited ang mga larawang ibinabahagi niya sa social media dahil sa ito ay pinaghirapan niya ng husto.


Matinding sakripisyo at paghihirap din pala ang pinagdaanan ni Aiko dahil sa low calorie diet niya at pag-inom ng mga weight-l0ss supplements. Dagdag pa niya noong mataba pa siya ay sinasabihan siyang “mukhang nanay” ngunit ngayon na nakapagpapayat na siya ay marami pa ring nasasabi ang ibang tao sa kaniya.


Talaga namang hindi niya malaman kung saan siya lulugar lalo na sa mga taong walang ibang kayang gawin kundi ang pumuna ng hindi maganda sa kanilang kapwa. Sa ngayon ay nasa 13.5 na kilo na ang nababawasan sa kaniyang timbang.

Sa kabila ng mga taong negatibo ang pananaw at opinyon ay talaga namang kakakitaan mo pa rin ng tunay na kaligayahan ang aktres dahil sa wakas ay nakamit na niya ang pinapangarap niyang pangangatawan noon pa man. Sa ngayon ay mas komportable at masayang-masaya na siya sa kaniyang bagong pangangatawan.



Mas determinado din siyang ipagpatuloy ang kaniyang nasimulan dahil sa mga taong nais niyang magbago rin ang buhay dahil sa pagsusumikap niyang ito.




error: Content is protected !!