Ika-35 taong anibersaryo ng pagpanaw ni Pepsi Paloma, inalala ng publiko!



Si Delia Dueñas Smith ay mas nakilala at hinangaan ng publiko bilang si Pepsi Paloma. Siya ay isang Filipino-American Dancer at isa sa sikat na “Softdrinks Beauties” noong taong 1980 kasama sina Sarsi Emmanuelle at Coca Nicolas.



Marami din siyang ginampanang mga pelikula noong kaniyang kasikatan. Ang kaniyang ina ay nagngangalang Lydia Dueñas mula sa Borac, Northern Samar, habang isa namang Amerikano ang kaniyang ama na si Kenneth Smith.


Sa edad na katorse ay dinala siya ng isang talent scout sa talent manager na si Rey dela Cruz para sa posibilidad na mabigyan siya ng ilang proyekto. Isang taon ang lumipas at nagkaroon siya ng kauna-unahan niyang pelikula ang Brown Emmanuelle.


Si Pepsi Paloma din ay nakilala noon dahil sa diumanong panghahalay sa kaniya noon ng mga sikat na host na sina Vic Sotto at Joey de Leon kasama pa ang kanilang kaibigang komedyante na si Ricardo “Richie D’Horsie” Reyes. Sa kabila ng kasikatan at paghanga sa kaniya ng publiko ay hindi inaasahan ng lahat na maaga siyang papanaw dahil sa pagkitil nito sa sarili niyang buhay


Mayroong ilang mga sabi-sabi na kinasuhan ni Pepsi ang mga sikat na personalidad na ito upang mas makilala sa industriya. Dagdag pa ni Tito Sotto ay kilala sa ganitong gawain ang kaniyang talent manager kung kaya naman hindi nakapagtatakang gawin nila ito lalo na at nagpahayag din ang tatlong inaakusahan nito na kakasuhan siya ng libelo dahil sa maling pagpaparatang sa kanila. Mayo 31, 1985 nang makitang nakabigti ang kaniyang bangkay sa tinitirhan nitong apartment.



Ayon sa ilang mga ulat ay mayroong natagpuang journal sa pinangyarihan nito na nagpapahayag ng hindi nila pagkakaunawaan ng kaniyang ina at ng kaniyang nobyo. Nakapagtataka man ngunit hanggang sa ngayon ay marami pa ring mga kuro-kuro patungkol tunay na nangyari sa 19 na taong gulang na si Pepsi.




error: Content is protected !!