Jinri Park hindi na nakapagtimpi pa sa mga bashers na pumupuntirya sa kaniyang mister!



Si Jinri Park ay isang 32 taong gulang na modelo, DJ, aktres at magazine columnist mula sa South Korea. Siya ay nagtrabaho bilang isang DJ noon sa Monster Radio RX 93.1 mula 2011 hanggang 2015.



Matapos nito ay muli niyang napukaw ang atensyon ng publiko dahil sa pagpasok niya sa industriya ng show business bilang isang aktres at TV host. Maliban dito ay labis din siyang hinangaan ng publiko dahil sa kaniyang pagmomodelo sa FHM Philippines.




Kabilang siya sa Top 10 Sexiest Woman list noong 2014 at 2015. Kamakailan lamang ay hindi na napigilan pang maglabas ng saloobin ni Jinri patungkol sa mga natatanggap nilang panghuhusga at kritisismo mula sa ibang mga netizens.




Ayon kay Jinri, masayang masaya siya ngayon sa piling ng kaniyang mister na si John ngunit hindi lang talaga niya matanggap na mayroong ilang mga taong magkokomento ng hindi kanais-nais patungkol sa kaniyang asawa.





Dahil nga sa isa siya sa pinakamagandang babae sa industriya ng show business ay hindi napigilan ng ilang mga netizens na magkomento na marahil ay mayaman ang kaniyang napangasawa kung kaya hindi na alintana ni Jinri ang pisikal na katangian nito.


Pahayag naman ng celebrity ay hindi mayaman ang kaniyang mister ngunit talagang saludo ito sa pagsusumikap niya sa kaniyang trabaho para lamang kumita ng pera. Dagdag pa niya ay mahal na mahal niya ang kaniyang mister at nagustuhan niya ito kung sino at ano ito at hindi sa kung ano pa mang mga bagay.

“Amazing husband” kung ilarawan ni Jinri ang kaniyang kabiyak kung kaya naman hindi niya diumano matatanggap na mayroong ibang toang babastos o manghuhusga dito dahil wala naman talaga silang alam tungkol sa kaniya. Bagamat mayroon pa ring ilang mga netizens ang nagkokomento sa mga posts ni Jinri online ay agad naman itong sinasagot ng celebrity.



Pahayag pa ni Jinri, maaaring kasama talaga sa pagiging isang artista ang panghuhusga ng publiko ngunit hindi siya mananahimik na lamang sa isang tabi habang binabato ng masasama at masasakit na salita ang kaniyang mga mahal sa buhay lalo na ang kaniyang asawa.





error: Content is protected !!