Kilalanin ang “personal assistant” ni Sam Milby na mahigit 12 taon na niyang kasama!



Si Samuel Lloyd Lacia Milby o mas nakilala ng publiko bilang si Sam Milby ay 36 na taong gulang na Filipino-American actor, musician, commercial model, recordinf artist at negosyante. Siya ay isang Filipino at American citizen. Isa siya sa pinakagwapo at pinakahinahangaang “leading man” ngayon sa industriya ng show business.


Kamakailan lamang ay naging mainit na usap-usapan sa social media ang naging pagbabahagi nito ng tunay nilang relasyon ni Miss Universe 2018 Catriona Gray. Ito ay isinapubliko niya sa araw mismo ng kaniyang ika-36 na kaarawan.




Masayang masama naman ang marami dahil sa wakas ay nakahanap na rin ng bago niyang pag-ibig si Sam sa katauhan ng 26 taong gulang na beauty queen. Ngunit higit pa sa kagalakan na nadarama nating lahat ang sayang nararamdaman ng kaniyang “personal assistant” na si Nene Limosniro.


Tunay nga na hindi lahat ng tao ay pinagpapala sa kanilang mga trabaho. Ngunit para kay Nene ay napakagandang biyaya na sa kaniyang buhay ang maging “personal assistant” ng aktor.




Marami siyang mga nakakasalamuhang artista tulad na lamang nina Anne Curtis, Jericho Rosales at marami pang iba. Maging sa mga out-of-town trips ni Sam ay kasama rin niya si Nene.




Hindi rin naman maipagkakaila na talagang malapit sina Sam at Nene sa isa’t-isa. Hindi ordinaryong tao ang turing ni Sam sa kaniyang PA kundi isang tunay na kapamilya.



Ayon pa nga kay Sam sa naging panayam sa kaniya noon ng “Magandang Buhay”, noong una pa lang ay naging napakapalad na ni Sam dahil sa 12 taong pagsasama nila ni Nene bilang magkatrabaho. Puring-puri niya rin ito dahil sa napakahusay nitong pag-aalaga at pagtatanggol sa kaniya sa kaniyang mga bashers kung kinakailangan.



Bukod pa rito ay si Nene rin pala ang nagtuturong magsalita ng Tagalog kay Sam lalo na noong hindi pa ito nasasanay na makaintindi o makapagsalita ng Tagalog.






error: Content is protected !!