Sinasabing libingan ni Maria Y. Orosa na isang natatanging Pilipinong bayani noon natagpuan sa Malate Catholic School!



Ang Pilipinas ay maraming mga nakakamangha at nakakabilib na mga kwento at mga karanasan na mula mismo sa ating kasaysayan. Maraming mga magigiting na bayaning Pilipino ang nagbuwis ng kanilang mga buhay para lamang sa kalayaan ng ating bayan at ng marami pang mga kababayan natin noon.


Kamakailan lamang ay naibahagi sa social media ng Facebook Page na “Hispano Filipino Heritage” ang isang isang nakakamanghang balita kung saan mayroong natagpuang isang himlayan o libangan ng isa sa mga Pilipinong bayani noon World Wr II. Ang gerilyang ito ay ang Pilipinong siyentipiko na si Maria Y. Orosa.




Mayroong mga ekspertong nakadiskubre sa kaniyang himlayan na natagpuan sa Malate Catholic School. Halos 75 taon na ang nakakaraan matapos siyang masawi dahil sa pagbomba noong Pebrero 13, 1945 para sa kalayaan ng Maynila.

Natagpuan ito dahil sa mayroong isang Amerikanong naghahanap ng libingan ng kaniyang mga ninuno. Nang makaratinf siya sa libingan ng mga taong nasawi noon sa digmaan ay wala na siyang naabutan pang libingan dahil sa ilang mga taon na rin ang nakalipas mula nang ipaayos ang lugar na ito.

Bagamat wala diumano ang mismong katawan ni Orosa sa nahukay na libingan, sinasabing ito ay isang “masa *****” at isa lamang ito sa mga naging buhay na alaala ng kaniyang ginawang kabayanihan. Talaga namang hinangaan ng marami ang bayaning ito dahil sa kaniyang kabayanihan sa maraming mga Pilipino at Amerikano.




Ginamit niya ang kaniyang kaalaman sa Siyensiya upang makaimbento ng pagkaing tinawag na “Soyalac”. Ang pagkaing ito ang nagligtas sa maraming mga buhay lalo na at maraming namamatay noon dahil sa gutom lalo na ang mga bayaning sundalong Pilipino at Amerikano sa Unibersidad ng Santo Tomas.


Hindi siya natatakot na isugal ang sarili niyang kaligtasan at maging ang kaniyang sariling buhay para lamang makatulong sa pagbawi ng ating kasarinlan noon. Talaga namang nakakamangha ang katapangan ng mga Pilipino, hindi ba?




error: Content is protected !!