Dating sikat na komedyanteng si Caloy Alde, nangangailangan ng tulong pinansyal dahil sa kaniyang kondisyon!



Isinugod sa isang ospital sa Quezon City ang dating batikang komedyante na si Caloy Alde. Sa ngayon ay nangangailangan siya ng tulong pinansyal dahil sa kaniyang medikal na kondisyon.



Marami tayong mga kilalang komedyante noon at kahit hanggang sa mga panahon ngayon. Hindi biro ang kanilang mga naging karanasan sa buhay bago pa man nila makamit ang katanyagan at kasikatang mayroon sila sa ngayon.


Ngunit hindi lahat ng mga komedyante ay nanatili na lamang sa rurok ng tagumpay. Dahil mayroon ding ilan sa kanila na iniwanan ang industriya ng show business, namuhay ng tahimik kasama ang kanilang mga mahal sa buhay at ilang naipundar na kabuhayan, dumaan sa mahigpit na pagsubok o di kaya naman ay ginapi ng karamdaman.


Sa Pilipinas, isa na sa yata sa pinakasikat na komedyante noon ang aktor na si Caloy Alde. Mr. Bean ng Pinas kung bansagan siya noon at talaga namang pinamangha niya ang marami noong kaniyang kasikatan.

Taong 2015 ay naitampok siya sa programa ng GMA network na “Wish Ko Lang” kung saan nabigyan siya ng pagkakataon na muling umarte sa harapan ng kamera. Ibinahagi ng kapwa niya komedyanteng si Gene Padilla ang tungkol sa kinakaharap ngayong pagsubok ni Caloy.




Ang misis ni Caloy na si Rhoda Porral-Alde ang siyang nag-aalaga ngayon sa komedyante. Dagdag pa ni Gene, isinugod sa ospital ang dating batikang komedyante dahil sa paglaki ng puso nito at tubig sa kaniyang baga.

Itinuturing din siyang PUI o “Person under Investigation” dahil sa ipinakikita nitong sintomas ng COVID-19. Kinakailangan din niyang sumailalim sa “dialysis” dahil sa kondisyon ng kaniyang kidney ngayon.



Talaga namang napakahirap ng sitwasyon ngayon ni Caloy kung kaya naman patuloy na humihingi ng tulong ang kaniyang pamilya upang kahit papaano ay mabawasan ang bigat na kanilang pinagdaraanan at nang madugtungan pa ang kaniyang buhay. Tiyak na kahit papaano ay mayroong mga taong tutulong sa kaniya at sa kaniyang pamilya sa mga panahong ito.




error: Content is protected !!