Categories: Viral

Isang lemon vendor binayaran ng isang pekeng isang libong piso!

Hindi biro ang sakripisyo at hirap na dinaranas ng maraming mga vendor natin sa ngayon lalo na dahil sa pandemyang kinahaharap ngayon ng buong mundo. Kahit mapanganib ay matapang na nagtitinda ang mga kababayan nating vendor dahil sa madalas ay ito lamang ang kanilang ikinabubuhay.

Ito lamang ang paraan upang patuloy nilang masuportahan ang kanilang mga pamilya lalo na at halos dalawang buwan din ang itinagal ng pagpapairal ng “enhanced community quarantine” sa karamihan ng mga lugar sa Luzon. Dahilan upang hindi makalabas ang marami sa atin upang mapigilan ang pagkakahawahan at lalong paglobo ng bilang ng mga taong nagpopositibo sa sakit na COVID-19.

Ngunit kahit pala sa napakahirap na pagkakataong ito ay mayroon pa ring ilang mga taong nakukuhang manloko at manlamang ng kanilang kapwa. Kamakailan lamang ay napabalita ang masaklap na karanasan ni Tatay Ernesto “Manny” Magcalas na mula pa sa Taytay.

Siya ay isang “lemon vendor” sa Quinta Market sa Quiapo at minsan ay nagtitinda rin ng santol. Sa unang sulyap pa lamang ay mapapansin mo nang may edad na rin siya ngunit hindi niya ito alintana at talagang nagtitinda pa rin siya sa lansangan upang may pangtustos sa pangangailangan ng kaniyang pamilya.

Sa kabila ng panganib na kaniyang kinakaharap sa araw-araw na aalis siya ng kanilang tahanan at magtitinda sa lansangan ay nakaranas pa ang matanda na mabayaran ng isang libong pisong peke! Ibinahagi ni Ricardo Conocido Magcalas ang naging karanasan na ito ni Tatay Manny upang mabigyan din ng babala ang iba nating mga kababayan sa mga taong manloloko at mapagsamantala.

Ayon pa sa kaniyang mga pahayag ay nakakotse pa pala ang gumawa nito kay Tatay Manny na talaga namang nakakapanggalit. Nang mapansin ng mga netizens ang post na ito ay dumagsa naman ang tulong sa kawawang vendor mula sa mga taong taos-puso at bukas-palad na nagbigay ng munting biyaya mula mismo sa kanilang mga kamay.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago