Ellen Adarna, sinagot ang isang netizen na nagtanong kung si John Lloyd nga ba ang ama ni Elias Modesto!



Si Ellen Meriam Go Adarna ay 32 taong gulang na aktres at modelo na labis na hinahangaan dahil sa angking kagandahan at kasexyhan. Ang kaniyang pamilya ay nagmamay-ari ng mga hotel, condominiums at ng isang kilalang motel chain sa sa Cebu, Manila at Davao, ang Queensland.



Mayroon din silang ipinagawang templo para sa alaala ng kanilang yumaong lola. Naging mas maingay din ang kaniyang pangalan noon dahil sa naging relasyon nito sa aktor na si John Lloyd Cruz kung saan biniyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang Elias Modesto.


Naging kontrobersiyal man ang pagmamahalan at naging relasyon nila ay hinangaan pa rin sila ng marami dahil sa walang takot nilang iniwanan ang mundo ng show business para sa kanilang binubuong pamilya. Kamakailan lamang ay nagpaunlak si Ellen ng “question and answer portion” sa kaniyang Instagram account.


Mayroong isang netizen dito na nagtanong sa kaniya kung sino nga ba talaga ang ama ng kaniyang anak na si Elias Modesto. Sa halip na magalit si Ellen ay mayroon nitong matalino at nakakatuwang sagot sa tanong ng netizen.

“I was conceived by the power of the holy spirit,” Pahayag ni Ellen bilang sagot sa tanong ng netizen sa kaniya.



Talaga namang nakapagtimpi pa kahit papano ang aktres kahit pa masasabing nakaka-offend talaga ang mapangahas na tanong ng netizen na ito. Para naman sa mga nagtatanong kung mayroon nang bagong nobyo si Ellen kinumpirma niya ito noong Abril 3 nang kapanayamin siya ni Mo Twister.

“Yes, I am dating someone. He’s from Spain. Afam! If you know what afam is?” Pahayag ni Ellen na ang tinutukoy ay ang kaniyang nobyong si Carlos Lemus.



Bagamat nasa “long-distance relationship” sila sa ngayon dahil sa ibang bansa nakatira ang nobyo ay hindi naman ito nagmimintis ng pagpapahayag ng kaniyang pagmamahal para sa celebrity. Marahil ay hindi pa ganoon kaayos ang relasyon nina Ellen at John Lloyd para sa isa’t-isa ngunit tumatayo pa rin naman silang mga responsableng magulang para sa kanilang anak at iyon ang mahalaga.




error: Content is protected !!