Erich Gonzales ipinasilip sa publiko ang kaniyang napakagandang hardin na punong-puno ng mga bulaklak at prutas!



Si Erika Chryselle Gonzales Gancayco o mas nakilala ng publiko bilang si Erich Gonzales ay 29 na taong gulang na aktres na talaga namang hinangaan ng publiko dahil sa kaniyang angking talento at kagandahan. Nagsimula siya sa industriya ng show business sa edad na 14 na taong gulang kung saan napabilang siya sa isa sa mga contestant ng reality talent search na Star Circle Quest.



Mas lalo pa siyang nakilala ng publiko dahil sa pagganap niya sa kaniyang karakter sa proyekto niyang “Katorse”. Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Erich sa kaniyang YouTube channel ang kaniyang napakagandang hardin.


Talaga namang namangha ang marami dahil sa napakarami niyang mga puno, halaman at iba’t-ibang klase ng mga bulaklak. Kapansin-pansin din ang maraming mga “Palm trees” na nakapalibot sa kanilang tahanan.


Adelfa ang tawag niya sa paborito niyang bulaklak sa kaniyang hardin. Marami din siyang mga pananim na “calachuchi”, rosas at iba pang mga bulaklak.

Mayroon din siyang mga puno ng guyabano, saging, niyog, pinya, papaya, malunggay. Inakyat pa ng aktres ang puno ng Kalamansi upang makuha ang mga bunga nito na gagamitin niya para sa kaniyang “calamansi juice”.



Bagamat medyo delikado ang kaniyang ginawa ay pinaalalahanan naman niya ang mga manunuod na huwag siyang gagayahin para na rin sa kanilang kaligtasan. Ibinahagi din ni Erich na noon pa man ay mahilig na talaga siyang magtanim, minsan ay mayroon siyang mga pananim na hindi na lumalaki pa at nagbubunga ngunit mas madalas na lumalaki ng maayos ang kaniyang mga itinatanim at nagbubunga ang kaniyang mga pananim.

Sadyang napakasarap makakita ng mga halamang lumalago at namumunga ng maayos. Hindi lahat ng tao ay nabiyayaan ng “green thumb” o magaan na kamay kung tawagin ng marami dahil sa anumang gawin nila ay hindi talaga nabubuhay ang kanilang itinatanim.



Ngunit napakapalad ng aktres na si Erich dahil sa mayroon siyang kakayahan na makapagtanim at makapagpalago ng mga halaman na kalaunan ay tiyak na mapapakinabangan din naman lalo na kapag namunga na ang mga ito o namulaklak.




error: Content is protected !!