Kathryn Bernardo pumalag na sa kaniyang mga bashers na tinatawag siyang “sakang”!



Si Kathryn Chandria Manuel Bernardo ay 24 na taong gulang na aktres, modelo, at endorser. Napukaw niya ang atensyon ng publiko hindi lamang sa mala-anghel niyang mukha kundi pati na rin sa kaniyang mahusay na pagganap sa kaniyang mga ginagawang proyekto sa telebisyon man o sa pelikula.



Tunay ngang isa siya sa pinakasikat na aktres ngayon sa industriya ng telebisyon. Sa kabila ng kaniyang mga nakamit na tagumpay sa buhay ay marami pa ring mga tao ang walang sawang humuhusga at nangmamaliit sa kaniya.


Ilan na nga sa mga ito ang diumano ay hindi magandang mga binti ng Kapamilya actress. “Sakang” kung ilarawan ng kaniyang mga bashers si Kathryn.

Ngunit kung noon ay hindi niya ito pinapansin at nananahimik na lamang, nagbigay ng kaniyang pahayag kamakailan lamang ang “Phenomenal Box Office Queen”. Dati ay nasanay na lamang siyang i-off ang comment section ng kaniyang social media accounts dahil sa aminado siyang labis siyang naaapektuhan ng mga komento na ito ng ibang tao patungkol sa kaniyang mga binti.


Ngunit ngayon ay hindi na niya ito alintana dahil sa ngayon ay 100 porsiyento na niyang tanggap ang kaniyang katawan. Ito ay dahil na rin sa suporta at pagmamahal na ipinakikita sa kaniya ng kaniyang long term boyfriend na si Daniel Padilla.



“Before, sobrang insecurity ko ito. Pero alam niyo kung sino nagpa-realize sa akin na huwag magpa-insecure? Si DJ. Through DJ na-overcome ko insecurity ko about my legs. I love my legs! Si DJ love din legs ko! Ngayon tanggap ko siya 100 percent!” Pahayag ng aktres.

Talaga namang hinangaan si Kathryn ng marami niyang mga taga-suporta at taga-hanga dahil sa matalino at mahinahon niyang pagsagot sa kaniyang mga bashers. Sadyang walang mabuting maidudulot ang panghuhusga at panglalait ng kapwa at tunay nga na hindi rin magiging maganda ang resulta kung ikaw ay magpapaapekto sa mga taong ito na walang ibang nais gawin kundi pansinin ang ibang tao kaysa makita ang masama nilang mga ugali.




error: Content is protected !!