Lalaki na ilang beses nang nabigo, nagsumikap at patuloy na lumaban sa buhay at matagumpay na sa ngayon!



Sadyang napakaraming mga pagsubok at paghihirap ang kinahaharap nating lahat sa araw-araw nating buhay. Marami sa atin ang nahihirapan man ay talaga namang hindi sumusuko sa mga hamon ng buhay.



Patuloy pa ring bumabangon ng paulit-ulit at lumalaban para sa kanilang mga mahal sa buhay. Tulad na lamang ng lalaking ito na ilang pagsubok man ang kaharapin sa buhay ay talaga namang hindi pa rin magpapatalo.


Siya ay walang iba kundi si Sherwin Gonzales. Minsan nang nawala sa kaniya ang lahat nang maging biktima siya ng isang “investment scam”. Ayon sa kaniya ay nagkamali siya noon na magtiwala sa ibang tao. Nasa dalawang milyong piso rin ang natangay sa kaniya na inutang lamang niya noon sa mga bangko.


Nang unang mga linggo ay talaga namang kumikita siya ng malaki ngunit bigla na lamang nawala at nanakaw ang lahat ng kaniyang pera na talaga namang naging dahilan upang gumuho ang kaniyang mundo at lahat ng kaniyang mga pangarap. Siya ay nakapagtapos ng kursong Engineering ngunit sa kabila nito ay mas nais niya talagang magpatakbo ng sarili niyang negosyo.


Kahit noong bata pa siya ay kilala na siyang madiskarte at masipag sa kanilang lugar. Sa halip na magtungo sa ibang bansa o pumasok sa isang malaking kompanya ay naisipan niyang magsimula muli sa pamamagitan ng “buy and sell”, “Forex trading”, “direct selling”, at “real estate”.



Sino nga ba ang mag-aakala na ang dating hinahabol ng kaniyang mga pinagkakautangan at ilang mga bangko ay magkakaroon pang muli ng pagkakataon na maging matagumpay sa buhay? Tunay nga na nasa Diyos ang awa at nasa tao naman ang gawa.

Dapat lamang n matuto tayong tumayo sa ating pagkakadapa. Dahil walang ibang makapagsasalba ng ating buhay at maging ng kinabukasan ng ating mga mahal sa buhay kung hindi ang ating mga magiging desisyon at aksyon sa buhay.






error: Content is protected !!