Isang photographer “caught on cam” ang galit sa kaniya ng kaniyang minamahal!



Ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan o hindi pagkakaunawaan ng dalawan taong nagmamahalan ay natural lamang na mangyari paminsan-minsan. Marahil ay para sa iilan ay nagtatagal ang alitan na ito ngunit mayroon pa rin namang mga magkasintahan o magkarelasyon na hindi pinapaabot ang kanilang alitan nang kinabukasan.


Tunay nga na napakagandang aral nito para sa marami sa atin dahil sa hindi natin hawak ang oras at panahon kung kaya naman nararapat lamang na huwag nating sayangin ang ating panahon sa galit at sama ng loob sa ating mga minamahal. Kamakailan lamang ay talagang kinagiliwan ng publiko ang isang photographer na ito dahil sa kaniyang pambihirang husay sa pagkuha ng mga larawan.



Aakalain mo bang nagawa pa niyang makuhanan ng larawan ang mismong paghahagis ng kaniyang minamahal ng tsinelas nito papunta sa kaniya? Ang naturang photographer ay nakilala bilang si Allan M. Castro.

Tila pinatotohanan niya ang mga katagang kung hawak hawak ng isang photographer ang kaniyang camera ay talaga namang wala itong takot na nararamdaman. Ang kaniyang viral na post sa social media ay nilagyan niya ng caption na: “Yung nagalit sa’yo mahal mo pero photographer ka..” Maraming mga netizens ang hindi napigilang bumilib sa naging kuhang ito ni Allan.


Ilan sa kanila ay naka-relate talaga sa pangyayaring naranasan ng photographer na ito. Narito ang ilan sa mga naging komento ng ilang netizens:

“di ko alam kung maa-amaze muna ako o iilag. Kaso alam kong sapul na ako kaya maa-amaze na lang ako hahaha.” Pahayag ng isang netizen.


“wag kang mag-aasawa ng photographer kung ayaw mo ng ganitong shot.” Pabiro pang sambit ng isa.

“wahahaha buti na lang magaling akong umilag.” Komento pa ng isang netizen.



Talaga namang nakakatuwang makita ang larawan na ito na madalas mangyari sa atin ngunit madalang makuhanan ng camera hindi ba? Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na marami ang humanga sa talentong ito ni Allan.




error: Content is protected !!