Willie Revillame mayroong sagot patungkol sa pahayag ni Harry Roque sa pagsasara ng ABS-CBN!



Kamakailan lamang ay naging bisita ng sikat na host at komedyante na si Willie Revillame ang Presidential Spokesperson na si Atty. Harry Roque sa kaniyang online show na “Wowowin”. Sa programa rin na ito ay tinalakay nilang dalawa ang iba’t-ibang mga usapin patungkol sa “quarantine protocols” ngayon sa ating bansa.


Sa naging panayam ni Willie ay sinigurado niyang mayroon pa ring social distancing sa pagitan niya at ng kanilang bisita. Ngunit tila hindi yata siya nakaligtas sa ilang maiinit na pahayag ng Presidential Spokesperson.




Narito ang naging pabirong pahayag ni Presidential Spokesperson, Atty. Harry Roque kay Willie: “Sa kauna-unahang pagkakataon, ikaw lang napapanood sa buong bansa. Alam mo duda ko, kaya yung isa nawalan ng prangkisa, ikaw may kagagawan nyan eh.”


Labis namang hinangaan ng publiko ang naging sagot ni Willie patungkol dito. Ayon sa tinaguriang “Gameshow King” malaki din ang utang na loob niya sa istasyon na iyon.

Hanggang sa ngayon ay malaki pa rin ang pasasalamat ni Willie dahil doon siya magsimula, doon siya nakilala at doon siya minahal ng publiko. Maraming mga netizens ang talaga namang bumilib sa taong ito na mayroon pa ring respeto at pagmamalasakit sa istasyon at sa kompanyang naging malaking bahagi rin ng kaniyang karera sa industriya ng show business.



Bagamat maraming mga tao, sikat man na personalidad o hindi ang mayroong kaniya-kaniyang mga opinyon patungkol sa nangyaring pagpapasara sa ABS-CBN ay mayroon pa rin talagang iilang tao na patuloy pa ring tumitingin sa mga positibo at magagandang bagay na naitulong ng naturanh kompanya sa kanila sa halip na husgahan at lalo pang ilugmok ito. Si Wilfredo Buendia Revillame o mas nakilala ng marami bilang si Willie Revillame ay 59 taong gulang na host, singer, songwriter, businessman, aktor, at komedyante.

Napukaw niya ang atensyon ng publiko dahil sa kaniyang taos-pusong pagtulong samga Pilipinong nangangailangan lalo na ang mga kababayan nating hirap sa buhay, may sakit o di kaya naman ay mayroong kapansanan.






error: Content is protected !!