Categories: Viral

Batang babae na mula sa mahirap na pamilya, nagbukas ng kaniyang alkansiya upang makabili ng bagong cellphone para sa online school!

Edukasyon ang itinuturing na pinakamahalagang bagay na maibibigay ng mga magulang sa kanilang mga anak. Tunay nga na napakahalaga nito para sa tagumpay ng isang kabataan.


Ngunit nakakalungkot lamang isipin na sa panahon ng pandemya ngayon ay mas mahalaga ang buhay ng nakararami. Para sa ilang mga kinauukulan at indibidwal, ang pagsasagawa ng mga online classes ang isa sa pinakaepektibong paraan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral lalo na sa ngayon na marami sa atin ang hindi pa maaaring lumalabas ng ating mga tahanan.

Bagamat marami na sa atin ngayon ang nakaaalam ng online schooling at marami na ring nakasubok nito, hindi pa rin natin maiiwasang isipin ang kalagayan ng mga taong hirap sa buhay at sapat lamang ang kinikita sa araw-araw nilang pamumuhay.

Bukod pa ang ilang mga pagsubok na maaaring kaharapin ang mga estudyante at mga magulang dahil sa makabagong paraan ng pagtuturo na ito kumpara sa tradisyunal na paraang nakasanayan na ng marami sa atin.

Sa Thailand, isang batang babae ang talagang pumukaw sa atensyon ng maraming mga netizens. Ito ay dahil sa pagbili niya ng isang cellphone para sa kanilang online class. Mula siya sa mahirap na pamilya at kinailangan pa niyang basagin ang kaniyang alkansiya upang magkaroon ng pambili ng naturang cellphone.

Ayon kay Saowalak Chantakanok na isang shop assistant sa isang Huawei outlet sa Thailand, ang batang babae kasama ang kaniyang lolo ay nagtungo sa kanilang tindahan upang magtanong ng pinakamurang cellphone na kanilang itinitinda. Agad din namang tinanong ng lolo kung tumatanggap ba sila ng cash dahil sa wala diumano silang “credit card”.

Sinabi naman ng shop assistant na walang problema dito, hindi niya akalain na talagang literal na barya pala ang ibabayad sa kanila ng mag-lolo dahil sa mula pa sa alkansiya ng bata ang perang dala-dala nila. Tunay nga na napakahirap ng buhay sa ngayon, ngunit patuloy na kinakaya ng maraming mga tao ang bawat pagsubok na dumadating sa kanilang mga buhay.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago