Isang pamilya lumipat at nanirahan mula sa siyudad patungo sa probinsiya!



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng marami ang naging desisyon ng isang pamilyang ito na mas pinili ang manirahan sa probinsiya kaysa sa siyudad na kanilang nakasanayan. Ang naturang post ay mula sa “The Budget Mama”.


Tunay nga na isa sa pinakamabigat na rason nila sa pagtira sa probinsya ay dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19 sa mga siyudad. Maliban pa rito ay talagang sariwa ang hangin sa probinsiya gayundin ang mga masasarap at sariwang mga prutas at gulay.



Nakakatuwa din namang malaman na mas mayroong pagkakataon na makapagsaya ang mga kabataan sa probinsiya tulad na lamang ng pagbibisikleta, pagpapalipad ng mga saranggola, pag-akyat sa puno, paghuli ng mga tutubi, at pagtatampisaw sa ulan na madalas ay mahirap at hindi talaga kayang gawin lalo na sa siyudad.

Mas mura din naman ang mga bilihin at gastusin sa probinsiya kung ikukumpara sa siyudad. Ilan sa mga ito ay ang P25 na mansanas sa Maynila na halagang P15 lamang sa probinsiya, ang mineral water sa Maynila ay P30 habang P20 lang sa probinsiya.

Ang presyo ng sibuyas sa Maynila ay P12 habang P5 lamang sa probinsiya. Pagdating naman sa pamasahe sa tricycle, P30 sa Maynila habang P15 naman sa probinsiya.




Ang Tilapya sa Maynila ay naglalaro sa presyong P160 habang P120 lamang sa probinsiya at makakasigurado kang buhay pa. ilan lamang ito sa mga magagandang halimbawa kung bakit naisipan ng pamilyang ito na manirahan na sa probinsiya kaysa sa Maynila.

Napakagandang ideya rin ang pagpaparenta ng pamilyang ito ng kanilang bahay sa Maynila sa halagang P25,000-P30,000 habang nagbabayad sila ng P5,000 sa 250sqm na bahay na nirerentahan nila sa probinsiya.

Pumapatak na nasa P240,000-P360,000 ang maaari nilang kitain o maging “passive income” sa loob ng isang taon. Kung trabaho naman ang pag-uusapan ay “online” na maraming mga trabaho sa ngayon maging ang paraan ng pag-aaral ng mga kabataan kung kaya hinid na ito magiging mabigat na pagsubok pa.




error: Content is protected !!