Isang siyam na taong gulang na bata ang nagbebenta ng kaniyang mga medalya para pangbili ng pagkain ng kaniyang pamilya!



Edukasyon ang isa sa pinakamahalagang bagay na maipapamana ng isang magulang sa kaniyang anak. Hindi ito mananakaw ninuman at talagang dadalhin mo sa panghabang buhay.



Kung kaya naman marami sa ating mga Pilipino ang nakasanayan nang itago at ipunin ang mga medalyang natatanggap ng kanilang mga anak. Kamakailan nga lamang ay umantig sa puso ng publiko ang kwento ng isang batang ito na mula sa isang mahirap na pamilya.

Nais niyang makatulong sa kaniyang ina sa abot ng kaniyang makakaya kung kaya naman nais niyang ibenta ang kaniyang mga naipong medalya ng dalawampung piso kada isang piraso upang kahit papaano ay magkaroon sila ng pambili ng pagkain. Sa isang katulad niyang siyam na taong gulang pa lamang ay talaga namang napakahalaga para sa kaniya ng kaniyang mga medalya.’


Kung kaya naman tiyak na napakahirap para sa kaniya ang ibenta ang mga ito. Ayon sa naging post ng bata sa kaniyang social media account:


“Dahil mahirap buhay lockdown wala trabaho si mama. Matagal na kmi tinalikudan ng papa ko kaya para makatulong kay mama benta ko po tangi kong yaman. Contact no# 09456175436 Pa-share po… #kmjs #raffytulfoinaction”.


Ibinahagi ng bata na nais niya sanang maibenta ang kaniyang mga medalya dahil sa mayroong sakit ang kaniyang ina at wala na silang pagkain. Matagal na rin diumano silang tinalikuran ng kaniyang ama ayon sa bata.



Sa halip na kalawangin lamang ang kaniyang mga medalya ay nanaisin na lamang niyang maibenta ito upang kahit papaano ay mayroon silang makain. Dahil sa naging viral ang kwento ng batang ito na walang ibang hangad kundi ang kabutihan ng kaniyang pamilya ay talaga namang dumagsa ang tulong sa kaniyang pamilya na naninirahan sa Cubao, Quezon City.

Ilan sa mga nagpaabot ng tulong sa kaniyang pamilya ay si Pinky Menor Encapas na nag-donate ng groceries at isang bentilador. Gayundin naman ay nakatanggap din si Kenneth at ang kaniyang mga kapatid ng ilang laptops mula sa isang frontliner na si Dr. Khristian Santos na nagmamay-ari din ng isang laptop shop online.




error: Content is protected !!