Kauna-unahang puno ng mansanas na itinamin at tumubo sa Pilipinas, nagpamangha sa publiko!



Kahit noon pang mga bata pa lamang tayo, marahil ay marami na sa atin ang nagtataka kung bakit hindi maaaring tumubo o lumaki sa ating bansa ang mga puno ng mansanas. Isa ang prutas na mansanas sa mga paboritong prutas ng maraming mga kabataan kahit hanggang sa ngayon.



Ngunit dahil pala sa klima at uri ng lupa sa ating bansa kung kaya hindi maaaring makapagtanim at makapagpalaki ng puno ng mansanas dito. Ito ang naging isang hamon at napakalaking inspirasyon para sa estudyanteng si Benzone Kennedy Franes Sepe na mula pa sa Davao.


Marami ang nagulat at labis na namangha dahil sa nagawa niyang makapagpalago ng puno ng mansanas sa Pilipinas sa kabila ng klima at uri ng lupa dito. Ayon sa naging ulat ng “How to Care”, taong 2014 nang subukan niyang magtanim ng 3 buto ng mansanas sa mismong bakuran nila.


Dalawa sa mga ito ay hindi na sumibol pa at tuluyan nang namatay kung kaya naman mas nagpursige siyang mabuhay ang natitirang buto ng mansanas. Maliban sa pagiging positibo ay nagsaliksik din siya kung paano mabubuhay ang kaniyang pananim.


Ayon sa naging pananaliksik niya ay napatubo niya nga ang huling buto ng mansanas na kaniyang itinanim, maliban dito ay natuklasan din niyang malaki ang maitutulong ng pagbali ng sanga upang mas masinagan ito ng araw. Naging ganap na puno na ang kaniyang itinanim na buto makalipas ang ilang taon. Ilang buwan pa ang lumipas at 4 na mansanas na ang kaniyang naani.



Bagamat sa Pilipinas ito itinanim at tumubo ay wala rin namang naging pagkakaiba sa lasa o maging sa texture ng naturang prutas. Tunay nga na maituturing ito na kauna-unahang puno ng mansanas na tumubo sa bansa.

Ibinahagi niya rin sa isang video ang kaniyang naging karanasan na matatagpuan sa “Kapatagan Apple Orchard Digos City Benzone”.






error: Content is protected !!