Limang taong gulang na bata, hirap na hirap sa pagsusuot ng kaniyang dating uniporme matapos ang ilang buwang lockdown!



Maraming mga bansa sa buong mundo ang kinakailangang magpatupad ng lockdown dahil sa patuloy na paglobo at pagdami ng bilang ng mga nagpopositibo sa sakit na COVID-19. Kaniya-kaniya tayong pamamaraan kung paano natin mapagtatagumpayan ang bawat araw na nagdaraanan na puno ng pangamba at takot ang ating mga puso dahil na rin sa nakakatakot na pandemyang naranasan natin sa pagpasok ng taon na ito.



Ngunit sa kabila nga ng maraming mga pagsubok na ito ay patuloy na naging matatag ang positibo ang marami sa atin kung kaya naman kahit papaano ay medyo nagiging maayos na rin ang lagay ng iilan sa atin. Nito lamang Hunyo 4, 2020 ay kinagiliwan ng marami ang video ng isang batang limang taong gulang na talaga namang hirap na hirap sa pagsusuot ng kaniyang dating uniporme makalipas lamang ang ilang buwan na home quarantine mula nang magkaroon ng lockdown sa China.


Sa naturang video ay makikita ang cute na batang pilit na pinaliliit ang kaniyang tiyan habang isinusuot naman sa kaniya ng kaniyang lola ang kaniyang uniporme. Halos na sampung milyong views na ang inabot ng naturang viral video sa social networking site na Weibo.

Ang video na ito ay kuha sa Anyang City sa Henan Province ng Central China ayon sa ilang mga reports. Naibahagi rin naman ng ina ng bata na ang kaniyang malusog na anak ay mayroon nang timbang na 50 kilos makalipas ang halos na apat na buwan pananatili sa loob nang kanilang tahanan dahil na rin sa lockdown.


Tila napakaraming mga netizens ang naka-relate sa video na ito dahil aminado ang marami sa atin na sa nagdaang mga buwan ay nakahiligan din natin ang kumain nang kumain sa bahay dahil sa wala rin naman tayong gagawin na ibang bagay maliban rito.



At marahil ay isa pang dahilan ang katotohanang sadyang napasarap naman talaga kasing kumain kasama ang iyong mga mahal sa buhay at nasa loob ka pa ng komportable ninyong tahanan.




error: Content is protected !!