Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, “love at first sight” ang naramdaman sa nobyong si Jeremy Jauncey!



Si Pia Alonzo Wurtzbach ay 30 taong gulang na Filipino-German model, aktres, endorser, host at beauty queen titleholder na nag-uwi ng korona ng Miss Universe pageant noong taong 2015. Kamakailan lamang ay nasorpresa ang marami niyang mga tagasuporta at tagahanga dahil sa pag-amin nito patungkol sa tunay na estado ngayon ng kaniyang puso.


Kinumpirma na nga ng beauty queen ang kaniyang relasyon sa Scotland-born entrepreneur na si Jeremy Jauncey nang makapanayam sila ng “Tatler Philippines”. Si Jeremy ang founder at CEO ng media agency na “Beautiful Destination”.




Inamin niyang siya ang unang nakipagkilala kay Pia noong nakita niya ito sa Convent Garden. “It’s an area I’ve walked through so many times in the last ten years. An area I know very, very well. When I saw her, I recognized her instantly. I get one shot, so I ran up to her,” Pahayag ni Jeremy.


Para naman kay Pia, “love at first sight” ang naramdam nito sa nobyo. Ito ang kaniyang paniniwala kahit pa mismong nobyo niya ay magsasabing hindi naman talaga.


“When I met Jeremy, we really clicked right away. We just talked non-stop and we found so many things in common. It’s almost like love at first sight, I think, even though he won’t admit that it’s love at first sight.” Komento ni Pia.


Dagdag pa ng beauty queen ay hindi talaga niya akalaing makakatagpo siya ng isang lalaki na talagang kasing-ugali niya. Masayang-masaya siya na napakarami nilang pagkakatulad at marami rin silang pinagkakasunduan.



Buti na lamang at nagkakilala sila sa perpektong oras at panahon ayon kay Pia. Bagamat hindi siya naghahangad o nagnanais ng makakilala ng taong kaniyang mamahalin ng mga panahong iyon ay napakapalad niyang makatagpo ang kaniyang nobyo na ngayon na si Jeremy.


Sa ngayon ay talaga namang napakasaya at punong-puno ng pagmamahalan ang kanilang relasyon. Kinilig ka din ba sa bagong pag-ibig ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach?






error: Content is protected !!