Andi Eigenmann nakuhanan ng larawan habang may bitbit na drum at nakasakay sa motor kasama ang mister!



Si Andrea Nicole Guck Eigenmann ay nakilala ng publiko bilang si Andi Eigenmann na anak nina Jaclyn Jose at yumaong Mark Gil. Siya ay mayroong dalawang anak, sina Adrianna Gabrielle “Ellie” Eigenmann at Keliana Alohi “Lilo” Eigenmann Alipayo.


Siya ay hinangaan ng marami dahil sa natural niyang kagandahan at pambihirang talento bilang isang aktres. Sa kabila ng karangyaan at kasikatang kaniyang naranasan noon ay mas pinili niyang mamuhay ng tahimik at simple sa isla ng Siargao kasama ang kaniyang nobyong si Philmar Alipayo, isang sikat na surfer at ang kaniyang mga anak.



Kamakailan lamang ay naging viral sa social media ang larawan niya habang nakaangkas sa motorsiklo kasama ang kaniyang mister at mayroong dala-dalang malaking drum. Sinong mag-aakalang walang kaarte-arte sa katawan ang dating sikat na aktres at modelong ito na mula rin sa marangyang pamilya?

Labis siyang hinangaan ng maraming mga tao dahil sa mas pinapahalagahan niya ngayon ang kaniyang pamilya at ang kanilang kasiyahan. Hindi tulad ng ilang mga indibidwal na tanging materyal na bagay at karangyaan na lamang sa buhay ang binibigyang importansiya.


Umani ng napakaraming mga positibong komento at reaksyon mula sa mga netizens ang larawang ito na kuha ng netizen na nakilala bilang si Contessa Aubrea Paraico-Carnaje. Tunay nga na maaaring nagkamali siya sa mga desisyon niya sa buhay noon ngunit mas naging matatag at matalino na siya sa ngayon.

Sa kabila ng mga panghuhusga sa kaniya ng publiko noon dahil sa pakikipag-relasyon sa isang ordinaryong tao at pagnanais na manirahan ng tahimik sa isang isla na malayo sa magulong mundo ng show business ay marami naman ang naiinggit sa kaniya ngayon dahil sa napakaganda at napakatahimik niyang buhay sa ngayon.


Isang napakagandang inspirasyon si Andi ngayon para sa maraming mga ina at kababaihan sa bansa dahil sa kaniyang pambihirang pagmamahal para sa kaniyang pamilya at sa kaniyang sarili.




error: Content is protected !!