Magkasintahang mag-iinquire lamang sana tungkol sa petsa ng kanilang kasal, agad agad nang ikinasal ng Mayor!



Usap-usapan ngayon ng publiko ang naging mabilisang kasal ng magkasintahang ito. Nakilala bilang si Erica Calandria-Sagum ang bride na talaga namang nasorpresa sa hindi inaasahang kasalan na naranasan nila ng kaniyang mapapangasawa.



Ayon sa kaniyang social media post, matagal na siyang naghahanap ng kulay puti na bistida para sana maisuot niya sa pinakahihintay nilang araw ng kanilang pagpapakasal. Nag-aaral na rin siya kung paanong make-up o ayos ba ang gagawin niya sa kaniyang sarili para sa nalalapit niya sanang kasal.


Ngunit hindi niya talaga inakalang magsusuot pala siya ng “checkered” na damit, leggings at puting sapatos sa kaniyang kasal. Wala rin siyang make-up nang mga panahong iyon at naka-face mask din sila ng kaniyang “groom”.


Minention din niya ang kaniyang mister na si Einnolav Meosjin sa kaniyang viral post. Bagamat medyo nabigla ay naroon pa rin ang kagalakan at kasiyahan dahil sa wakas ay kasal na sila ng kaniyang minamahal at apelyido na nito ang kaniyang gamit.



Dagdag pa niya, dapat sana ay Abril 25 ang araw ng kanilang kasal ngunit hindi ito natuloy dahil na rin sa pandemyang nangyari sa maraming mga bansa sa buong mundo kabilang na ang ating bansang Pilipinas. Dahil sa Hunyo 3 ay mapapaso na ang kanilang marriage license ay nagdesisyon na lamang silang magpakasal na muna sa huwes o civil wedding.

Ngunit nang nagtungo sila sa opisina ng kanilang alkalde na si Atty. Antonio A. Ferrer upang magpa-reschedule sana ng kanilang civil wedding ay agad agad silang tinanong ng kanilang alkalde kung nais nilang ikasal na sila nito. Agad agad din namang pumayag ang magkasintahan at naganap na nga ang kanilang “COVID Civil Wedding” na talaga namang nagpabilib at nagpamangha sa maraming mga netizens!




Tunay ngang walang makakaawat sa wagas na pag-ibig ng dalawang taong nagmamahalan. Sadyang hindi hadlang ang anumang suliranin o pandemya para sa pagmamahalan ng magkasintahang ito.




error: Content is protected !!