Categories: News

Maaari nang mag-renew ng driver’s license o mag-register ng inyong mga sasakyan online!

Ang “Land Transportation Office” ay mayroon nang website para sa online transactions. Binuksan na nila ang kanilang online portal upang matugunan ang mga magrerenew ng lisensiya o magpaparehistro ng mga sasakyan.


Ang hakbang na ito ay ginawa upang hindi na kailanganin pang lumabas ng mga tao at tuluyang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa. Noong Hunyo 8 ay nagpahayag ang LTO na maaaring magtungo sa kanilang website ang mga motorista upang makita ang kanilang mga records nang hindi na kinakailangan pang magtungo sa kanilang mga opisina.

Inaasahan din na mas magiging mabilis at madali na lamang ngayon ang pagproseso ng mga dokumentong ito. Dahil na rin sa inplementasyon nito ay mas masisigurado ng tanggapan na magiging ligtas ang kanilang mga tauhan at maging ang kanilang mga kliyente.

Ayon sa LTO, bukas 24/7 ang kanilang website at marami ring mga lugar ang sakop nito tulad na lamang ng Metro Manila, Laoag, Bayombong, Roxas, Tagbuiliran, Dumaguete, Ormoc, Butuan, Pagadian, Malaybalay, Lipa, Calapan, Naga, Tagum, Davao, General Santos at Baguio. Mayroon na ding “cashless payments” ang tanggapan para sa mga renewal, pagpaparehistro at pagmumulta.


Ang “online system” na ito ay matagal nang plano ng ahensya ngunit ngayon lang ito naipanukala dahil na rin sa sitwasyon ng bansa. Ngunit higit sa lahat, nais talaga nilang maisulong ang online transactions na ito upang tuluyan nang maiwasan at mawala ang korapsyon o mga “under-the-table transactions”, mabawasan ang “physical contact”, at mas mapaunlad pa ang kanilang serbisyo.

“All citizens of the country need to do is to register as client in the public portal, create and appointment at their choice of LTO office, pay their fees online for their Driver’s License, car registration, motor vehicle inspection service, and even pay their fines.” Dagdag pa ng tanggapan.

“The new LTO portal is one of the key steps on our way to becoming a frontline government agency showcasing fast and efficient public service for a progressive land transport sector,” Ayon kay LTO Chief at Transportation Assistant Secretary Edgar Galvante.

To register kindly vist https://portal.lto.gov.ph/

Source: www.reportr.world

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago