Pahayag ni Jessy Mendiola: “I’m finally free.”



Hindi biro ang mga pinagdaraanan ng maraming mga Pilipino sa araw-araw. Maging ordinaryong tao ka lamang o isang sikat na personalidad, tiyak na marami pa ring darating na pagsubok at problema sa iyong buhay na siyang mas magpapatatag sa iyo sa paglipas ng panahon.


Tulad na lamang ng pinagdaanan na ito ng isang sikat na aktres. “Sa wakas ay malaya na ako!”, ito ang mga katagang ibinahagi ni Jessy Mendiola sa kaniyang social media account kamakailan lamang.



Masayang-masaya ang aktres dahil sa wakas ay nalaman na niya ang kaniyang “self-worth” at ang kapayapaang nakamit niya mula sa Diyos. Pahayag din ng 27 taong gulang na celebrity noon pa man ay kalaban na niya ang kaniyang sarili ngunit ngayon ay talagang malaya na siya sa mga pagdududa, galit at “insecurity”.


Para sa kaniya, ang pagkakaroon ng mas bukas at mas mapagtiwalang pananampalataya ang magbibigay sa kaniya ng pambihirang tapang upang mas maging mabuting tao simula ngayong taon. Hindi nga madali ang pinagdaanan ni Jessy noon kung saan hinayaan niya lamang ang kaniyang sariling unahin ang sasabihin ng ibang tao at ang kanilang kaligayahan na madalas ay nakakalimutan na niya ang kaniyang sarili.



Buti na lamang at sa wakas ay natagpuan na niya ang kapayapaan at kaligayahan na kaniyang hinahangad noon pa man. Sadyang walang makapapantay na anumang halaga o materyal na bagay kung matatagpuan mo ang kahalagahan ng iyong sarili at ang wagas na pag-ibig ng Diyos sa iyo.


Tiyak na maraming mga Pilipino ang mas nabigyan ng inspirasyon sa pagbabahaging ito ng aktres. Lalo na yung mga taong nakakaranas ng katulad na sitwasyon na kaniyang naranasan noon. Si Jessica Mendiola Tawile ay mas nakilala ng publiko bilang si Jessy Mendiola. Siya ay 27 taong gulang na aktres at modelo na labis na hinahangaan ng publiko dahil sa angkin niyang kagandahan at talento.





error: Content is protected !!