Si Lara Morena na ang “The One” para kay Paolo Bediones!



Kamakailan lamang ay nasorpresa ang marami dahil sa pagbabahagi nina Paolo Bediones at Lara Morena patungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Ayon sa ilang mga ulat, limang taon na ang nakararaan ng maging malapit sa isa’t-isa ang dating aktres at ang TV host.


Nagkaroon ng mga usap-usapang tungkol sa kanilang pagkakamabutihan ngunit hindi ito kinumpirma ni Paolo sa publiko. Sa kabilang banda, ang dating sexy actress naman ay nagkumpirma sa publiko patungkol sa kanilang relasyon.


Maaalalang noong nagkaroon ng isang panayam si Lara ay nabanggit nitong sinisikap nilang maging pribado ang kanilang relasyon hanggang maaari. Hindi sila madalas na nagbabahagi ng mga larawan nila sa social media ngunit minsan ay ginagawa ito ni Lara. Naibahagi din naman ng dating aktres na nagkakilala sila ni Paolo sa isang talk show noon.


Nang magtungo sa Amerika si Lara ay palagi silang nagkakausap ngunit wala pa silang relasyon noon. Taong 2014 lamang sila naging magkarelasyon matapos ang kanilang “ligawan stage”.

Makalipas ng limang taon mula ng naging magkasintahan sila ay nagsalita na si Paolo patungkol sa kanilang pag-iibigan sa naging panayam sa kaniya noon ng Cabinet Files. Sinabi ng 46 na taong gulang na TV host na si Lara na ang “The One” para sa kaniya.




Si Lara ay si Mylene Sanchez sa tunay na buhay. Siya ay 46 taong gulang na rin. Ang kanilang relasyon ay isang napakagandang regalo para sa kaniyang kaarawan ayon kay Paolo. Para naman kay Lara, lahat ng gusto niya sa isang lalaki ay na kay Paolo na kung kaya naman wala na siyang mahihiling pa. Tunay nga na natagpuan nila ang tunay na kaligayahan at pag-ibig sa isa’t-isa.



Kung kaya naman maraming mga netizens ang tunay na natuwa dahil sa nakakakilig nilang kwento ng kanilang pagmamahalan. Pagmamahalan na nagsisilbing inspirasyon para sa kanila at sa mga taong nakapaligid sa kanila.




error: Content is protected !!