Backyard pool sa halagang P10,000? Kayang-kaya at hindi imposible!



Tag-init na naman nga sa ating bansa at talaga namang nakakasabik na ding lumabas ng ating mga tahanan, magtungo at magtampisaw sa beach, resort at sa pool. Ngunit dahil na rin mas prayoridad natin sa ngayon ang kaligtasan ng ating mga mahal sa buhay ay nananatili na lamang tayo sa ating mga tahanan at sinusulit ang mga panahong kasama natin ang ating mga mahal sa buhay.


Tulad na lamang ng pamilyang ito na naitampok ang kanilang kwento sa Facebook Community na “Smart Parenting”. Bukod kasi sa “wooden playhouse” na ginawa nila para sa kanilang dalawang mga anak habang ECQ ay nakapagpagawa na rin sila ng isang “pool backyard”.




Ibinahagi ni Rose Ann Bautista at ng mister niyang si Michael na nagkaroon sila ng inspirasyon mula sa kwento ng mapagmahal na lolo na si Lolo Wilfredo Mangubat na siyang gumawa rin ng pool para sa kaniyang mga apo. Ang mga magulang mismo ni Michael na sina Elsie at Manuel Bautista ang nag-udyok sa mag-asawang gawan ng pool ang kanilang mga anak na sina Matthew at Timothy sa kanilang bahay sa Tarlac.


Talaga namang napakaganda ng kinalabasan ng kanilang pool. Gamit lamang ang semento at ilang hollow blocks at sa tulong na rin ng mga trabahador na kanilang kinuha ay talaga namang sigurado sila sa tibay at pagiging pulido ng kanilang pool.



Halos naka-10,000 piso lamang ang mag-asawa sa isang linggong pagpapagawa nito. Walang tiles na iniligay sa sahig ng kanilang pool at gumamit na lamang sila ng epoxy paint na medyo may kamahalaan ngunit matibay naman ang kalidad nito.


Inakala ni Rose Ann noong una na maaaring masugatan ang kaniyang mga anak dahil sa magaspang na “texture” ng sahig ngunit agad namang natuyo ang pinturang epoxy at naging “rubberized” ito. Talaga nga namang napakasarap pagmasdan ng mga ngiti ng kanilang mga anak at ng lolo at lola.





error: Content is protected !!