Chinese na babae hindi kayang iwanan ang isang taong grasa, true love na nga kaya ito?



Wagas na pag-ibig nga kaya ang nadarama ng isang Chinese na babaeng ito sa isang taong grasa? Kamakailan lamang ay marami ang nasorpresa dahil sa isang video ng isang Chinese na babae na ito na agad namang nag-viral online.



Ang nagbahagi sa social media ng naturang post ay ang Facebook page na “Kabiyak”. Talaga nga namang marami ang nakasaksi kung paano ang isang dayuhang babae na ito ay tila ayaw pumayaw na umalis at iwanan ang katabi niyang lalaki na sa bangketa nakatira at kapansin-pansin ang dumi sa buong katawan nito.

Mapapanuod sa video na halos lahat ng taong naroroon ay nais siyang pasakayin sa isang sasakyan. Mababasa rin sa sasakyan ng rescue team ang mga katagang “Bagong Parañaque” kung kaya naman marami ang nagsasabing sa Parañaque ito nangyari.




Sa dinami-rami ng mga taong kumukumbinsi sa babae ay wala itong kinausap o sinamahan kahit na sino ngunit nang biglang tumayo ang lalaki sa kaniyang tabi at sumakay sa naturang sasakyan ng rescue team ay hindi napigilan ng mga taong mapahiyaw at magsigawan dahil sa wakas ay pumayag na rin ang Chinese na babaeng mailigtas siya mula sa kapahamakan. Umani ng sari-saring mga komento at reaksyon mula sa publiko ang viral video na ito.


Marami ang talaga namang napabilib sa pinakita ng Chinese na babae na anumang mangyari o kahit sino man ang taong kumausap sa kaniya ay talagang hindi niya iniwan ang lalaki na bagamat mahirap lamang na maituturing ay talaga namang pinalad na makakilala ng isang babaeng tulad niya.

 

Bagamat wala pang kumpirmasyon patungkol sa tunay na relasyon ng dalawa o nang tunay na dahilan kung bakit nga ba sila nasa ganoong kalagayan ay mas marami pa rin ang hindi mapigilang mamangha sa tila mala-pelikulang eksena ng dalawa.

Tila mas maraming mga indibidwal ang patuloy na umaasang darating din ang tamang tao sa kanilang buhay, sa tamang panahon.




error: Content is protected !!