Isang 18-anyos na babae comatose dahil sa pag-inom ng “Pearl Milk Tea”!



Napakasarap kumain lalo na kung paborito mo talaga ang mga pagkaing nakahain sa hapag-kainan. Tayong mga Pilipino ay talaga namang kilala rin dahil sa masarap nating pagluluto hindi lamang ng mga putahe o ulam na nakalakihan natin kundi maging ilang mga panghimagas at mga kakanin.


“Sweet tooth” kung ilarawan ng iba ngunit talaga namang marami sa atin ang guilty dito. Hindi na rin nakapagtatakang patok na patok sa atin ngayon ang mga inuming matatamis tulad na lamang ng mga smoothie, frappe, at milk tea.




Ngunit sabi nga ng mga matatanda, lahat ng sobra ay nakasasama sa ating katawan. Kamakailan lamang ay napabalita ang 18 taong gulang na babaeng ito mula sa Shanghai, China dahil sa nalagay sa peligro ang kaniyang buhay matapos niyang uminom ng maraming “Bubble o Pearl Milk Tea”.

Dalawang beses sa isang araw kasi siya umiinom nito sa loob ng isang buwan! Ayon sa ilang mga ulat, natagpuan na lamang ng kaniyang pamilya ang dalaga na walang malay at nang dalhin nila ito sa ospital ay nadiskubre nilang mayroon pala siyang sintomas ng “Hyperglycemia” o isang kondisyon kung saan labis na mataas ang sugar level sa katawan ng isang tao.


Ilan sa mga sintomas na ito ay pagkahilo, dehydration, at madalas na pag-ihi. Mabuti na lamang at naisugod kaagad sa Ruijin Hospital ang dalaga at napag-alamang 25 beses na mas mataas pala ang kaniyang blood sugar kumpara sa normal na sugar level na maaaring taglayin ng isang normal na tao.


Kinailangan siyang lagyan ng “ventilator” at sumailalim sa “kidney dialysis” upang maging mabuti ang kaniyang kalagayan. Limang araw matapos niyang ma-comatose ay nagising na rin siya.

Samantala, pinayo naman ng “American Heart Association sa publiko na ang mga kalalakihan ay hindi dapat lalagpas ng 9 na kutsara o 36 gramo ng asukal ang makokonsumo sa loob ng isang araw habang 6 na kutsara naman o katumbas ng 25 gramo ng asukal para sa mga kababaihan.






error: Content is protected !!