“Made in Taiwan” face masks mula sa China, nadiskubre sa Pilipinas!



Napakahirap ng pinagdaanan ng marami sa atin sa nagdaang mga buwan. Mula nang pumutok ang nakakapangambang balita patungkol sa nakakahawang sakit na COVID-19 sa maraming mga bansa sa buong mundo ay talaga namang nabahala na at natakot ang marami sa atin.


Kung ang mga mayayaman at matatagumpay nga na bansa ay nahirapan sa krisis na ito lalo na ang bansang tulad ng Pilipinas. Nakakalungkot lamang isipin na maging sa mga araw na ito ay marami pa ring hindi magagandang bagay ang nagaganap sa ating bayan.




Hindi na nakapagtatakang mabahiran ang reputasyon ng ating bansa dahil sa nadiskubre kamakailan lamang na mga pekeng facemasks na diumano ay gawa mula sa Taiwan ngunit sa China pala talaga nagmula. Kumalat sa ilang social media platforms ang mga larawan ng masks na mayroong brand name na “AiDeLai”.

Ilan sa mga nakasulat sa packaging nito ay “anti-bacterial, able to keep out smells, dust, smog, sunlight and can block PM2.5 particulates”. Nakasaad din sa produktong ito ang kompanya kung saan ito gawa, ang “Taibei Rongyi Textile Co.” at ang lugar na pinagmulan nito ay “Taiwan, China”.


Natuklasang peke ang produktong ito dahil sa mali ang pagbaybay ng kapital ng Taiwan na “Taipei” at dahil na rin sa wala pala talagang kompanyang “Rongyi Textile Co.” sa naturang isla. Ang kompanyang ito ay matatagpuan talaga sa Jiangsu province ng China.


Maraming mga netizens ang talaga namang nabahala at natakot dahil sa pangyayari na ito. Kung kaya naman mas nararapat lamang na maging mapanuri tayo sa maraming mga bagay na nangyayari sa ating kapaligiran hindi lamang para sa ating kapakanan kundi maging sa kaligtasan ng ating mga mahal sa buhay.

Mas mabuti nang maging napanuri tayo kaysa naman mabiktima tayo ng mga pekeng produkto na ito na maaari ding makasama sa kalusugan natin at ng ating mahal na pamilya.






error: Content is protected !!