Isang Pinoy surfer, nag-viral dahil sa nakapangasawa siya ng napakagandang “foreigner”!



Maraming mga netizens ang namangha at napa-sana all dahil sa napakagandang napangasawa ng isang Pinoy surfer na ito. Bukod pa rito ay nabiyayan na sila ng isang napakagandang anak. Ang mapalad na lalaking ito ay walang iba kung hindi si John Mark Tokong. Maaaring marami sa atin ang hindi nakakakilala sa kaniya ngunit siya ay isang mahusay na surfer.



Hindi lamang sa ating bansa ngunit maging sa iba pang mga bansa ay talaga namang nag-uuwi rin siya ng mga medalyang ginto. Halimbawa na lamang ay ang pagkapanalo niya nito lamang 2019 sa “men’s shortboard event” sa South East Asian Games (SEA Games) na ginanap sa Pilipinas.



Nito lamang ika-12 ng Hunyo, 2020 nang ibahagi ni John Mark ang mga larawan nila ng kaniyang asawan g si Danni Hughes. Isa lamanng itong ordinaryong larawan ng isang kasalan ngunit dahil nga sa napakaganda ng kaniyang misis ay agad itong nag-viral.



Marami ring mga social media pages ang nagre-post ng mga ito na talaga namang tinangkilik ng maraming mga netizens. Marami din ang kinilig sa kanilang wagas na pagmamahalan.
“And Now We Are MR & MRS. The day we celebrate our love @natureearthlings ,” pagbabahagi ni John Mark sa kaniyang social media post.

Ikinasal ang Pinoy surfer na ito sa kaniyang longtime girlfriend sa Australia. Tubong Surigao del Norte si John Mark at dahil sa kaniyang angking talento ay nakilala at hinangaan siya ng maraming mga tao, lokal man o dayuhan.



Talaga namang napakaraming netizens ang inggit na inggit sa kaniya dahil sa nakapangasawa siya ng isang mala-Diyosang babae. Ngunit maliban pa rito, mas marami din naman ang namangha kay Danni dahil sa hindi ito tumitingin sa panglabas na kaanyuan ng isang tao bagkus ay pinakasalan niya si John Mark dahil sa kanilang pagmamahalan.

Maaaring para sa marami sa atin, isang simpleng lalaki lamang si John Mark, ngunit para sa kaniyang kabiyak na si Danni, siya na ang pinakagwapong lalaki sa kaniyang paningin. Tunay nga na aanhin mo naman ang isang lalaking gwapo ngunit hindi naman busilak ang puso at pagmamahal sa iyo, hindi ba?



error: Content is protected !!