Liza Soberano, pasok sa listahan ng “10 Most Beautiful Women in the World”!



Si Hope Elizabeth Soberano o mas nakilala ng publiko bilang si Liza Soberano ay 22 taong gulang na aktres, endorser, at singer sa Pilipinas. Labis na hinahangaan ng marami ang kaniyang pagganap bilang isang aktres kasama ang kaniyang loveteam partner at longtime boyfriend na si Enrique.



Ang kanilang tambalan ay nakilala bilang “LizQuen” na mayroon nang milyong-milyong tagahanga at tagasuporta ngayon sa bansa at ibang panig pa ng mundo. Tunay nga na isa siya sa pinakamahusay at pinakamagandang aktres ng kaniyang henerasyon.




Sa katunayan, napabilang siya sa listahan ng “10 Most Beautiful Women in the World”kamakailan lamang! Nakakuha ang Kapamilya actress ng 295,151 online votes at nasungkit ang ika-siyam na pwesto.



Siya ang kaisa-isang Pilipinang nakapasok sa top 10 nang pinakamagandang babae sa buong mundo. Ang naturang survey ay inilunsad ng Starmometer na isang pamosong entertainment blog mula noong April 4 hanggang May 22, 2020.




Ang nanguna sa listahan ay walang ibang kung hindi si Son Ye Jin, ang lead actress ng Korean Drama series na “Crash Landing on You,” na umani ng 4,354,037 votes. Habang si Lisa naman ng BLACKPINK ay nasa ikalawang pwesto na mayroong 3,852,340 votes.



Nasa ikatlong pwesto si Tzuyu mula sa Taiwan, ikaapat na pwesto si Urassaya Sperbund ng Thailand, ikalimang pwesto si Jisoo Kim ng South Korea. Si Song Hye Kyo at Jennie Kim ng South Korea ay nasa ikapito at ikawalong pwesto.

Ang nasa ikasiyam na pwesto ay si Liza Soberano habang nasa ikasampung pwesto naman si Sina Deinent ng Germany. Talaga namang kahit sa larangan ng paggandahan ay hindi pa rin papatalo ang mga Pilipino.

Sinong mag-aakala na mayroong isang Pilipinang papasok sa listahan ng mga naggagandahang babae sa buong mundo? Tunay nga na hindi lamang isang mahusay na aktres si Liza dahil kilala rin siya bilang isang mabait at mapagbigay sa kaniyang mga kaibigan at mahal sa buhay.



Hindi lamang maganda ang kaniyang panglabas na anyo kung hindi maging ang kaniyang kalooban.





error: Content is protected !!