Anak na sinampal ang ina dahil lamang sa sushi muli na namang umani ng maraming komento mula sa publiko!



Aminin man natin o hindi, malaki ang utang na loob ng mga anak sa kanilang mga magulang. Bago pa man naging matagumpay ang isang anak ay mga magulang muna niya ang sumuporta at nagtiwala sa kaniya.


Ang mga magulang ang gumagabay at nagsasakripisyo para sa kaniyang mga anak. Walang ibang hangad ang mga magulang kung hindi ang kaligayahan at kapakanan ng kanilang mga anak.




Dahil ano man ang mangyari sa ating mga anak, ang mga magulang lamang natin ang ating magiging sandigan at gabay. Tunay nga na napakalaki ng utang na loob natin sa ating mga magulang kung kaya naman marami talaga ang nagalit at nainis sa babaeng ito dahil sa kawalan ng respeto sa kaniyang ina.


Dahil lamang kasi sa “sushi” ay sinampal ni Krem Austria ang kaniyang ina na si Nanay Magdalena Austria. Una na itong napabalita sa popular na programang “Raffy Tulfo in Action” na bandang huli ay nagkaroon naman ng magandang pagtatapos.


Ngunit lingid sa ating kaalaman ay matapos palang maganap ang naging “pag-aayos” ni Nanay Magdalena at ng kaniyang mga anak ay agad palang nag-impake at lumayas ang mga ito ng basta basta na lamang noong May 13, 2019. Labis na paghihinagpis ang nararamdaman ng ina dahil sa noong pumanaw ang kaniyang mister buwan ng Nobyembre nang taong ring iyon ay hindi man lang sumilip o dumalaw ang kaniyang mga anak.


Maging pinansyal na tulong para sa namayapa nilang ama ay hindi rin sila nagbigay ng mga panahong iyon. Buti na lamang at kahit papaano ay mayroong mga kaibigan si Nanay Magdalena na siyang tumulong sa kaniya sa pinagdaanan niyang napakahirap na sitwasyon.

Maraming mga netizens ang nagkomento na marahil ay pakitang-tao lamang ang ginawang “pakikipag-ayos” ng mga anak ni Nanay Magdalena upang hindi na sila i-bash at pag-initan pa ng maraming mga netizens dahil sa nagawa nilang pagkakamali sa kanilang magulang.



Image and Video Credit: Raffy Tulfo in Action




error: Content is protected !!