Hubadera, walang utak at walang mararating, mga masasakit na salitang natatanggap ni Ivana Alawi mula sa kaniyang mga bashers!



Si Ivana Alawi ay isa sa pinakasikat na aktres ngayon sa industriya ng show business. Bukod pa sa pagiging isang mahusay na aktres ay isa rin siyang sikat na YouTuber.

Talaga namang maraming mga Pilipino ang nagmamahal at sumusuporta sa 23 taong gulang na sexy actress. Ngunit katulad na lamang ng ibang mga artista, hindi talaga mawawala ng mga taong mapanghusga at ang mga taong walang ibang nais gawin kundi ang mangmaliit ng kapwa nila lalo na kung ito ay unti-unti nang nagtatagumpay sa buhay.



Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Ivana ang naging karanasan niya noon sa panghuhusga ng ibang tao sa kaniya. Ibinahagi niya na mismong mga kaibigan pa niya noon ang nagtutulak sa kaniya pababa. Sa ABS-CBN online show na pinamagatang “I Feel U” ni Toni Gonzaga ay binalikan ng Kapamilya actress at YouTuber ang pagsuko niya noon sa nais niyang tahaking landas sa industriya ng show business.


Narito ang naging pahayag ni Ivana para sa mga taong nagsasabing isa lamang siyang “hubadera”, walang utak, at wala siyang mararating sa buhay.


“I know myself. Alam kong I’m more than just sa paghuhubad. I’m proud of myself. Nakapagtapos ako sa college. Tinutulungan ko yung family ko.” Pahayag ni Ivana.

Maaaring matatag na si Ivana sa ngayon kung opinyon ng ibang tao ang pag-uusapan. Ngunit talagang hindi niya makakalimutan ang masasakit na salitang natanggap niya noon sa dalawang matalik niyang kaibigan na itinuring niya pang pamilya!



Madalas na nagsesend si Ivana noon ng mga larawan sa kanila bago niya ito i-post sa social media at ang tanging sagot lamang ng kaniyang mga kaibigan ay “Okay ‘yan, puwede ‘yan.” Ngunit isang araw ay sinabahan na lamang siya ng kaniyang mga kaibigan na wala naman siyang mararating sa pagiging isang sexy star niya.

Talaga namang nanliit siya at nawalan ng tiwala sa kaniyang sarili. Ngunit laking pasasalamat niya dahil sa suportado siya ng kaniyang pamilya mula noong umpisa hanggang sa ngayon.



Kung kaya naman sa ngayon ay makikita na natin ang bunga ng kaniyang mga pagsasakripisyo at paghihirap noon.




error: Content is protected !!