John Lloyd Cruz nakitang namamahagi ng mga food packs sa mga frontliners sa Cebu!



Kamakailan lamang ay namataan ng ilang mga netizens ang aktor na si John Lloyd Cruz na personal na namamahagi ng tulong sa Cebu City. Abalang-abala itong mag-abot ng mga food packs sa ilang mga frontliners sa Cebu City.


Simpleng pamamaraan lamang ngunit talaga namang marami ang natulungan ng aktor. Ayon sa ilang mga ulat, kasalukuyang nakatira sa Guadalupe, Cebu City ang aktor dahil na rin sa co-parenting status nila ng aktres na si Ellen Adarna sa kanilang anak na si Elias Modesto.



Naging malapit ang aktor sa kaniyang mga ka-barangay kung kaya naman nais niya talagang tumulong sa mga ito sa abot ng kaniyang makakaya. Dito na rin inabutan ng pagpapatupad ng lockdown si John Lloyd kung kaya naman nagmagandang-loob na rin siyang mag-abot ng kaunting tulong sa mga frontliners nila doon.


Mapapansin sa mga viral na larawan ng aktor ang mga pinamimigay niyang pagkain tulad na lamang halimbawa ng “dimsum”, “steamed rice”, at tubig. Maliban pa rito ay ninais din pala ni John Lloyd na matulungan ang mga residente ng barangay San Nicolas sa Cebu.


Tunay nga na hindi alintana ng aktor ang anumang panganib sa ginagawa niyang pagtulong. Dahil dito ay mas maraming mga taong nagmamahal at sumusuporta sa aktor. Hindi lahat ng mga sikat na personalidad ay mayroong mabuting puso at kakayahang mag-abot ng tulong sa mga nangangailangan. Kung kaya naman isa talagang napakagandang biyaya ng aktor para sa mga taong kaniyang natutulungan.


Si John Lloyd Espidol Cruz o mas nakilala ng publiko bilang si John Lloyd Cruz ay 36 taong gulang na aktor, modelo, at host. Una siyang minahal ng publiko sa teen drama show na “Tabing Ilog” katambal si Kaye Abad.


Pinagbidahan niya rin ang ilang mga programa tulad ng “It Might Be You”, “Maging Sino Ka Man”, “I :hearts: Betty La Fea”, at “Imortal”.




error: Content is protected !!