Larawan ng anak na nag-aabot ng medalya sa kaniyang amang magsasaka umantig sa publiko!



Ang tagumpay ng isang anak ay isang napakagandang karangalan para sa kaniyang mga magulang. Tunay nga na walang ano mang materyal na bagay ang hihigit pa sa biyayang ito.


Marahil, edukasyon ang isa sa pinakaimportanteng bagay na maipapamana ng mga magulang sa kanilang mga anak kahit pa maraming mga pagsubok at paghihirap ang kanilang pagdaanan. Batid naman ng marami sa atin na talagang napakahirap kumita ng pera sa ngayon.



Bukod kasi sa mababa lamang ang sweldo ng karamihan sa atin ay sadyang napakalaki na rin ng itinaas ng mga bilihin at iba pang gastusin sa tahanan. Hindi rin biro ang gastusin sa pagpapaaral ng mga anak hanggang kolehiyo.

Marami ang pinapalad na makatanggap ng pinansyal na tulong mula sa mga ahensya ng pamahalaan o sa mga mabubuting taong tumutulong sa mga mag-aaral na may angking talino at pagpupursige sa pag-aaral. Kung kaya naman hindi na nakapagtatakang mapukaw ng larawan na ito ang atensyon ng publiko.



Sa viral na larawan ay makikita ang isang anak na masayang inaabot ang kaniyang medalya sa ama nitong magsasaka. Maaaring napakasimpleng larawan lamang nito ngunit talaga namang maraming mga magagandang aral ang makikita rito.

Ang larawang kuha ni Homer Telan Tabag ay makikita sa Facebook page na “Teacher Jay”. Sumisimbolo ang larawang ito sa bawat pamilyang Pilipino, sa mga magulang at sa mga anak na talaga namang nagsusumikap sa araw-araw makamit lamang nila ang inaasam-asam nilang tagumpay.



Sa panahon kasi natin ngayon ay mas nagkakaroon ng maraming mga oportunidad sa buhay ang mga kabataan na nakapagtapos kumpara sa ibang hindi na natapos ang kanilang pag-aaral. Habang sinusulat ang artikulong ito ay umani na ng higit sa 57,000 na mga reaksyon ang viral na larawan, higit sa 600 na mga komento at 54,000 shares.

Marami din ang mga netizens na nagpapahayag ng kanilang paghanga sa mag-amang ito. Talaga namang kitang-kita sa larawan na ito ang isang napakagandang inspirasyon para sa marami pang mga pamilyang Pilipino.






error: Content is protected !!