Mensahe ni BB Gandanghari kay Vice Ganda: “Masuwerte ka at sumikat ka, dahil bobita ka!”



Si Binibini Gandanghari o mas nakilala ng publiko bilang si BB Gandanghari ay isang 53 taong gulang na aktor, modelo, entertainer, komedyante, at direktor. Ang kaniyang mga kapatid na sina Robin, Royette at Rommel Padilla ay mga kilalang aktor din sa industriya ng show business.



Siya ay naninirahan na ngayon sa ibang bansa malayo sa kaniyang pamilya. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan na naman si BB Gandanghari dahil sa naging mainit nitong pahayag para kay Vice Ganda.

Ito ay dahil sa naging pahayag ng huli patungkol sa naging transpormasyon ni Rustom Padilla na ngayon ay ganap nang isang transgender. Halos 11 taon na rin ang nakakaraan mula nang mangyari ito.


Sa kaniyang vlog ay ibinahagi nito ang dating panayam kay Vice ng TV Patrol kung saan kinuwestiyon nito ang naging pagbabago ng dating aktor. Diumano ay hindi naging makatarungan ang pagpapahayag ni BB na wala na at pumanaw na si Rustom.

Dagdag pa ni Vice ay hindi proud si BB sa pagiging bading nito noon. Maging ang pagpasok nito sa “modeling school” sa New York ay hindi rin pinalampas ng “It’s Showtime” host.
Humingi naman ng tawad si Vice sa naging pahayag nito at sinabing nasabi lamang niya ito bilang isa sa mga naging tagahanga ng dating aktor na si Rustom. Ito naman ang naging pahayag ni BB sa kaniyang vlog na talagang pinag-uusapan ngayon ng publiko.


“Ayaw mong tanggapin ang pagkababae ko, kukuwestyunin mo. Eh, wala ka naman palang sense. Masuwerte ka at sumikat ka, dahil bobita ka, `yun lang ang masasabi ko sa’yo,” pahayag ni BB Gandanghari.



“Anong ibig mong sabihin na ang pagiging babae ay sinasarili? Ano parang ikaw? Pagdating mo sa kwarto ay naka-bra ka gano’n? Ipokrita,” dagdag pa nito.

Maaalalang limang taon na ang nakakalipas ay nagkaroon ng pahayag si BB patungkol sa kasikatang tinatamasa ngayon ni Vice. Ayon kay BB ay masaya siya sa kasikatan ni Vice ngayon dahil sa nasa iisa silang komunidad.




error: Content is protected !!